Alam mo naman kapag hindi ka sumunod sa utos ng iyong ama, ito'y hindi ikatutuwa ng iyong ama.
Siyempre siya ang iyong ama na siyang haligi ng tahanan. Nais lang ng iyong ama na mapabuti ang iyong buhay sa pag-aaral at kahit matapos kang mag-aral.
Narito ang ilang sa mga magiging bunga ng hindi pagsunod sa utos ng ama:
Mga Bunga ng Hindi Pagsunod ng Ama
- Gusto ng iyong ama na mag-aral ka nang mabuti. Kapag hindi ka sumunod, maaaring bumagsak ang iyong marka sa pag-aaral. At posibleng hindi ka makapagtapos ng pag-aaral.
- Gusto ng iyong ama na huwag kang sumama sa masamang barkada. Kapag hindi ka sumunod, maaaring maiimpluwensiyahan ka ng mga masasamang bisyo (paggamit ng droga) ng iyong barkada.
- Gusto ng iyong ama na umuwi ka nang maaga sa gabi. Kapag hindi ka sumunod, posibleng mapapahamak ka sa gabi gaya ng kidnap, robbery o aksidente. Maraming mga masasamang tao ang kumakalat kapag gabi. Ayaw ng iyong ama na mapahamak ka.
- Gusto ng iyong ama na magsimba ka o sumamba ka. Kapag hindi ka sumunod, malulungkot ang iyong ama na baka bumaba ang antas ng iyong moralidad at mawawalan ka ng takot sa Diyos at sa paggawa ng masama.
- Gusto ng iyong ama na tumulong ka sa anumang gawaing bahay. Kapag hindi ka sumunod, mahahapis ang iyong ama dahil bilang anak dapat matuto kang maglinis o gumawa ng anumang gawaing bahay.
- Gusto ng iyong ama na huwag kang makipag-away sa iyong mga kaklase o mga kaibigan. Kapag hindi ka sumunod, mapapahamak ka, ma-aaksidente sa katawan o mawawalan ka ng dangal at ang iyong ama at pamilya.
- Gusto ng iyong ama na maging masayahin ka. Kapag hindi ka sumunod, malulungkot ang iyong ama na baka meron kang sakit dahil lagi kang nakasimangot o malungkot.
- Gusto ng iyong ama na maligo ka. Kapag hindi ka sumunod, magiging mabaho ang amoy ng iyong katawan. Mapupuno ng alikabok at dumi ang iyong katawan na posibleng maging sanhi ng sakit mo.
- Gusto ng iyong ama na maging magalang ka sa kanya, sa iyong ina, sa ibang tao, sa mga guro mo at sa mga nakakatanda. Kapag hindi ka sumunod, iisipin ng mga nakakatanda o ng ibang tao na pilyo kang bata o masama kang bata.
- Gusto ng iyong ama na maging matulungin ka sa ibang tao. Kapag hindi ka sumunod, malulungkot ang iyong ama dahil baka isipin ng ibang tao na madamot ka at ang iyong pamilya.