Home » Articles » Filipino

Mga Bugtong at Sagot (Biggest Collection - 220+ Bugtong)

Narito ang pinakamalaking koleksyon ng mga bugtong at sagot nito. Ipinapahayag din dito sa simula kung ano ang kahulugan ng bugtong at kung ano kahalagahan at kontribusyon nito sa kulturang Pilipino.
Mga Bugtong at Sagot

Kahulugan

Ang mga bugtong (riddles sa Ingles) ay mga pangungusap o parirala na may nakatagong kahulugan at ginawa bilang pahulaan upang lutasin ang kasagutan.

Madalas magkatugma ang huling pantig ng mga parirala o pangungusap ng isang bugtong. Nabibigyang-diin ang bugtong kapag mala-tula ang dating ng pagkakasabi.

Minsan ang mga salitang ginagamit sa bugtong ay mahiwaga at napakahirap sagutin kung ano nga ba ang mga kahulugan nito.

Kahalagahan ng Bugtong sa Kulturang Pilipino

Simula pa noong unang panahon, sa panahon ng ating mga ninuno, ang mga bugtong ay nagbibigay kaaliwan sa mga nakikinig at nagpapatalas ng isip sa mga mapanuri at malikhaing pag-iisip ng mga Pilipino.

Bugtong Bilang isang Libangan

Kung isa kang Pinoy na lumaki dito sa Pilipinas, nakakalibang pakinggan at sagutin ang mga bugtong lalo na sa panahong wala pang gadgets, cellphones at computers.

Naalala ko pa noon, kapag nagkukuwentuhan kami ng aking mga kaibigan, kalaro o kabarkada, isinisingit namin ang bugtung-bugtungan (sa Bisaya/Cebuano ay Tigmo-tigmo). Paunahan kami ng sagot sa gumawa ng bugtong. Minsan may premyo, halimbawa ay paghalik sa isang babae na crush mo, kapag nasagot mo ang bugtong.

Minsan, para madaling masagot ang bugtong, binibigyan ng ideya (hint or clue) ang tagapakinig kung ito ba'y isang bagay, prutas, gulay, bahagi ng katawan, hayop o lugar.

Narito na ang mga halimbawa ng mga Bugtong. Ito ang pinakamalaking kolesyon ng mga bugtong sa buong mundo.

List of Bugtong at mga Sagot (220+ bugtong)

  1. "Iisa na, kinuha pa, Ang natira ay dalawa" - Sagot: Tulya
  2. "Isang matinik na tampipi, Asim-tamis pinagsama, Sa maputing laman niya" - Sagot: Guyabano
  3. "Buka kung hapon, kung umaga ay lulon." - Sagot: Banig
  4. "Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon." - Sagot: Banig
  5. "Binatak ko ang baging, Bumuka ang tikin." - Sagot: Payong
  6. "Bahay ni Ka Huli, Haligi'y bali-bali, Ang bubong ay kawali." - Sagot: Alimango
  7. "Bahay ng anluwagi, Iisa ang haligi." - Sagot: Kabute
  8. "Iisa ang pinasukan, Tatlo ang nilabasan." - Sagot: Kamiseta o T-shirt
  9. "Kung gabi ay hinog, kung araw ay hilaw" - Sagot: Bombilya
  10. "Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay." - Sagot: Bombilya
  11. "Maganda kong senyorita, Susun-suson ang saya." - Sagot: Puso ng Saging
  12. "Nagsaing sa Bentong, sa ibabaw ang tutong." - Sagot: Bibingka
  13. "Baboy ko sa Marungko, Balahibo ay pako." - Sagot: Langka
  14. "Baston ni Adan, Hindi mabilang-bilang." - Sagot: Ulan
  15. "Aling dahon sa mundo, Ang iginagalang ng tao?" - Sagot: Watawat
  16. "Isang pirasong tela lang ito, sinasaluduhan ng mga sundalo." - Sagot: Watawat
  17. "Ate ko, Ate mo, Ate ng lahat ng tao." - Sagot: Atis
  18. "Tubig na pinagpala, Walang makakuha kundi bata." - Sagot: Gatas ng Ina
  19. "Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay kaligtasan." - Sagot: Suso ng Ina
  20. "May tubig na pinagpala,walang makakakuha kundi bata." - Sagot: Suso ng Ina
  21. "Tubig sa ining-ining, Di mahipan ng hangin." - Sagot: Buko
  22. "Kayumanggi ang balat ko, Kasiya-siya ang pabango." - Sagot: Tsiko
  23. "Malayo pa ang sibat, Nganga na ang sugat." - Sagot: Bibig na Susubuan
  24. "Ang paa'y apat, Hindi makalakad." - Sagot: Mesa
  25. "Apat katao, Iisa ang sombrero." - Sagot: Bahay
  26. "Hinila ko ang baging, Nag-iingay ang matsing." - Sagot: Kampana
  27. "Hindi hayop, hindi tao, Kung ituring ay kabayo." - Sagot: Kabayong Plantsahan
  28. "Urong-sulong, panay ang lamon, Urung-sulong, lumalamon." - Sagot: Lagare
  29. "Ulo't paa lamang, Walang pagod na umiikot." - Sagot: Trumpo
  30. "Animo'y kontrabida, Kung tumingin ay dalawa." - Sagot: Duling
  31. "Ang bahay ni Pedro, Walang pinto, puro kuwarto." - Sagot: Kawayan
  32. "Pitak-pitak, silid-silid, pinto man ay di masilip." - Sagot: Kawayan
  33. "Nang munti pa ay may tapis, nang lumaki ay nabulislis." - Sagot: Kawayan
  34. "Patung-patong na sisidlan, may takip ay walang laman." - Sagot: Kawayan
  35. "Aling prutas sa mundo, Nakalabas ang buto." - Sagot: Kasoy
  36. "Isang prinsesa, nakaupo sa tasa." - Sagot: Kasoy
  37. "Aling hayop sa mundo, Ang nilalakad ay ulo." - Sagot: Suso (snail)
  38. "Isang bahay na bato, ang takip ay bilao." - Sagot: Suso (snail)
  39. "Itinanim sa kinagabihan, Inani sa kinaumagahan." - Sagot: Bituin
  40. "Isang pinggan, Laganap sa buong bayan." - Sagot: Buwan
  41. "Mataas kung nakaupo, Mababa kung nakatayo." - Sagot: Aso
  42. "Matanda na ang nuno, Hindi pa naliligo." - Sagot: Pusa
  43. "Kawangis ay palu-palo, Libot na libot ng ginto." - Sagot: Mais
  44. "Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto." - Sagot: Mais
  45. "Kabaong na walang takip, Sasakyang nasa tubig." - Sagot: Bangka
  46. "Dalawang bunduk-bundukan, Di maabot ng tanaw." - Sagot: Kilay
  47. "Isang hayop na maliit, Dumudumi ng sinulid." - Sagot: Gagamba
  48. "Isang biyas na kawayan, Maraming lamang kayamanan." - Sagot: Alkansiyang Kawayan
  49. "Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob." - Sagot: Alkansiya
  50. "Kakalat-kalat; natitisud-tisod; Kapagka tinipon, matibay na moog." - Sagot: Bato
  51. "Baboy ko sa Sorsogon, Kung hindi sakya'y hindi lalamon." - Sagot: Kudkuran ng Niyog
  52. "Binuksan ang kanyon, Perdigones ang nakabaon." - Sagot: Papaya
  53. "Bahay ni Gomez, punung-puno ng perdigones." - Sagot: Papaya
  54. "Kung ako'y titigan, Pagtingin sa aki'y Di ko masulyapan man lamang." - Sagot: Araw
  55. "Tumakbo si Tarzan, Bumuka ang daan." - Sagot: Zipper
  56. "Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari." - Sagot: Zipper
  57. "Limang magkakapatid, Tig-iisa ng silid." - Sagot: Daliri
  58. "Limang punong niyog, Iisa ang matayog." - Sagot: Kuko
  59. "Ang mabuting litrato, Kuhang-kuha sa mukha mo." - Sagot: Salamin
  60. "Ako'y may tapat na irog, Saan man paroo'y kasu-kasunod; Mapatubig ay di nalulunod, Mapaapoy ay di nasusunog." - Sagot: Anino
  61. "Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan." - Sagot: Anino
  62. "Nagtago si Dolfo, Nakalabas ang ulo." - Sagot: Pako
  63. "Mayroon akong pitong bentanilya, Tatlo lamang ang naisasara." - Sagot: Ulo
  64. "Kung gabi'y si Sarasta; Kung araw ay si Bukasta." - Sagot: Bintana
  65. "Kayraming nakahiga, Iilan lamang ang abot sa lupa." - Sagot: Bakod
  66. "Masarap na hantungan, Ngunit iniiwasan ng tanan." - Sagot: Kamatayan
  67. "Nakaluluto'y walang init, Umuusok kahit malamig." - Sagot: Yelo
  68. "Mayroon akong alipin, Mataas pa sa akin." - Sagot: Sombrero
  69. "Bumili ako ng alipin, Mataas pa sa akin." - Sagot: Sombrero
  70. "Maitim na parang alkitran, Pumuputi kahit di labhan." - Sagot: Buhok
  71. "May ulo'y walang mukha, Ma'y katawa'y walang sikmura." - Sagot: Bote
  72. "Nagbibigay na, sinasakal pa." - Sagot: Bote
  73. "May ulo'y walang tiyan, May leeg walang baywang." - Sagot: Kasapuwego (Palito sa Posporo)
  74. "Maliit na bahay, puno ng mga patay." - Sagot: Posporo
  75. "Isang tingting na matigas, nang ikiskis ay namulaklak." - Sagot: Posporo
  76. "Ang sombrero ni Bernabe, Sa bundok itinabi." - Sagot: Buwan
  77. "Ang ibabaw ay tawiran, Ang ilalim ay lusutan." - Sagot: Tulay
  78. "Kundi sa bibig ko, Ay nagutom ang barbero." - Sagot: Gunting
  79. "Hayan na si Kaka, bubuka-bukaka." - Sagot: Gunting
  80. "Dalawang patpat, sabay lumapat." - Sagot: Gunting
  81. "Dalawang magkaibigan, magkadikit ang baywang; kapag silay’y nag papasyal, nahahawi ang daanan." - Sagot: Gunting
  82. "Kung kailan ko pa pinatay, Saka humaba ang buhay." - Sagot: Kandila
  83. "Dala niya ako, Siya'y aking dala." - Sagot: Tsinelas
  84. "Di man isda, di man itik; Nakahuhuni kung ibig." - Sagot: Palaka
  85. "Heto na si Mang Topak, Kokak ng kokak." - Sagot: Palaka
  86. "Pagmunti’y may buntot, paglaki ay punggok." - Sagot: Palaka
  87. "Hindi pa natatalupa'y, Nanganganinag na ang laman." - Sagot: Kamatsile
  88. "Hugis-puso, kulay ginto, Anong sarap kung kagatin, Malinamnam kung kainin." - Sagot: Mangga
  89. "Bumuka'y walang bibig, Ngumingiti nang tahimik." - Sagot: Bulaklak
  90. "Bahay ni Margarita, Naliligid ng Sandata." - Sagot: Pinya
  91. "Nang wala pang ginto ay doon nagpalalo, Nang magkagintu-ginto ay doon na nga sumuko." - Sagot: Palay
  92. "Nagtanim ako ng isip sa gitna ng tubig, dahon ay makitid, bunga ay matulis." - Sagot: Palay
  93. "Magkapatid na prinsesa, Lahat nama'y pawang negra." - Sagot: Duhat
  94. "Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin." - Sagot: Duhat
  95. "Nakatindig walang paa, May tiya'y walang bituka." - Sagot: Baso
  96. "Nakayuko ang reyna, Di nalalaglag ang korona." - Sagot: Bayabas
  97. "Sa araw ay nahihimbing, Sa gabi ay gising." - Sagot: Paniki
  98. "Pantas ka man at marunong at nag-aral nang malaon; Aling kahoy sa gubat ang nagsasanga'y walang ugat?" - Sagot: Sungay ng Usa
  99. "Kahoy ko sa Marigundong, sumasanga’y walang dahon." - Sagot: Sungay ng Usa
  100. "Usbong ng usbong, hindi naman nagdadahon." - Sagot: Sungay ng Usa
  101. "Kung saan masikip, Doon nagsisiksik." - Sagot: Labong ng Kawayan
  102. "Kampanilya ni Kaka, Laging mapula ang mukha." - Sagot: Makopa
  103. "Binili kong mahal, Isinabit ko lamang." - Sagot: Hikaw
  104. "Baboy sa kaingin, Natapo'y walang pagkain." - Sagot: Kalabasa
  105. "Buto't balat, lumilipad." - Sagot: Saranggola
  106. "Baka ko sa Maynila, Abot dito ang unga." - Sagot: Kulog
  107. "Baka ko sa Palawan, unga’y nakakarating kahit saan." - Sagot: Kulog
  108. "Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik." - Sagot: Mga Paa
  109. "Dalawang batong itim, malayo ang nararating." - Sagot: Mga mata
  110. "Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita." - Sagot: Tenga
  111. "Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko." - Sagot: Ngipin
  112. "Isang tabo, laman ay pako." - Sagot: Suha
  113. "Kung tawagin nila'y "santo" hindi naman milagroso." - Sagot: Santol
  114. "Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin." - Sagot: Saging
  115. "Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa." - Sagot: Balimbing
  116. "Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat." - Sagot: Niyog
  117. "Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang bandera." - Sagot: Dahon ng Saging
  118. "Wala pa ang giyera, wagayway na ang bandera." - Sagot: Dahon ng Saging
  119. "Nanganak ang aswang, sa tuktok nagdaan." - Sagot: Puno ng saging
  120. "Nang maglihi'y namatay, nang manganak ay nabuhay." - Sagot: Puno ng Siniguelas
  121. "Isda ko sa Maribeles, Nasa loob ang kaliskis." - Sagot: Sili
  122. "Baboy ko sa parang, namumula sa tapang." - Sagot: Sili
  123. "Munting tampipi, puno ng salapi." - Sagot: Sili
  124. "Sinampal ko muna bago inalok." - Sagot: Sampalok
  125. "Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo." - Sagot: Sitaw
  126. "Ang anak ay nakaupo na, ang ina'y gumagapang pa." - Sagot: Kalabasa
  127. "Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat." - Sagot: Ampalaya
  128. "Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan." - Sagot: Dahon ng gabi
  129. "Puno ko sa probinsya, puno't dulo ay mga bunga." - Sagot: Puno ng Kamyas
  130. "Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang katuray." - Sagot: Talong
  131. "Sa maling kalabit, may buhay na kapalit." - Sagot: Baril
  132. "May puno walang bunga, may dahon walang sanga." - Sagot: Sandok
  133. "Ang ulo’y nalalaga ang katawa’y pagala-gala." - Sagot: Sandok
  134. "Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo." - Sagot: Pako
  135. "Walang sala ay ginapos, tinapakan pagkatapos." - Sagot: Sapatos
  136. "Huminto nang pawalan, lumakad nang talian." - Sagot: Sapatos
  137. "Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala." - Sagot: Sapatos
  138. "Alipin ng hari, hindi makalakad kung hindi itali." - Sagot: Sapatos
  139. "Kaban ng aking liham, may tagpi ang ibabaw." - Sagot: Sobre
  140. "Utusan kong walang paa’t bibig, sa lihim ko’y siyang naghahatid, pag-inutusa’y di na babalik." - Sagot: Sobre
  141. "Walang paa, lumalakad, walang bibig, nangungusap, walang hindi hinaharap na may dala-dalang sulat." - Sagot: Sobre
  142. "Dikin ng hari, palamuti sa daliri." - Sagot: Singsing
  143. "Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo." - Sagot: Walis
  144. "Hiyas akong mabilog, sa daliri isinusuot." - Sagot: Singsing
  145. "Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap." - Sagot: Unan
  146. "Isang malaking suman, sandalan at himlayan." - Sagot: Unan
  147. "Ako'y aklat ng panahon, binabago taun-taon." - Sagot: Kalendaryo
  148. "Nagbibihis araw-araw, nag-iiba ng pangalan." - Sagot: Kalendaryo
  149. "Araw-araw nabubuhay, taon-taon namamatay" - Sagot: Kalendaryo
  150. "Halaman ng dunong, walang dilig maghapon, araw-araw kung bilangin isang taon kung tapusin." - Sagot: Kalendaryo
  151. "Maraming paa, walang kamay, may pamigkis sa baywang ang ulo'y parang tagayan, alagad ng kalinisan." - Sagot: Walis
  152. "Alalay kong bilugan, puro tubig ang tiyan." - Sagot: Batya
  153. "Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan." - Sagot: Yoyo
  154. "Hindi hayop hindi tao, nagsusuot ng sumbrero." - Sagot: Sabitan ng Sombrero
  155. "Panakip sa nakabotelya, yari lata." - Sagot: Tansan
  156. "Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo." - Sagot: Sinturon
  157. "Ipinalilok ko at ipinalubid, naghigpitan ang kapit." - Sagot: Sinturon
  158. "Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi." - Sagot: Bayong o Basket
  159. "Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa." - Sagot: Pluma o Pen
  160. "Maliit na parang sibat, sandata ng mga pantas." - Sagot: Pluma o Pen
  161. "Sandata ng mga paham, papel lamang ang hasaan." - Sagot: Pluma o Pen
  162. "Bagama’t nakatakip ay naisisilip." - Sagot: Salamin ng mata
  163. "Hindi ako sikat na pilosopo, tulad ng henyong kapangalan ko, pero mahal din ako ng tao, dahil kinakainan ako." - Sagot: Plato
  164. "Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop." - Sagot: Batya
  165. "Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay." - Sagot: Kubyertos
  166. "Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob." - Sagot: Kulambo
  167. "Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan." - Sagot: Payong
  168. "Bahay ni Mang Kulas, nang magiba’y tumaas." - Sagot: Payong
  169. "Sa bahay ko isinuksok, sa gubat ko binunot." - Sagot: Itak o Gulok
  170. "Kalesa ko sa Infanta, takbo nang takbo pero nakaparada." - Sagot: Silyang tumba-tumba
  171. "Takbo roon, takbo rito, hindi makaalis sa tayong ito." - Sagot: Duyan
  172. "Banga ng pari, pauli-uli." - Sagot: Duyan
  173. "May bibig walang panga, may tiyan walang bituka; may suso walang gatas, may puwit walang butas." - Sagot: Bayong
  174. "Gawa ito sa kinayas na kawayan, lalagyan ng santol, mangga at pakwan." - Sagot: Tiklis
  175. "Butasi, butasi, butas din ang tinagpi." - Sagot: Lambat
  176. "Lumabas, pumasok, dala-dala ay panggapos." - Sagot: Karayom
  177. "Walang hininga ay may buhay, walang paa ay may kamay, mabilog na parang buwan, ang mukha’y may bilang." - Sagot: Orasan
  178. "Sinakal ko muna, bago ko nilagari." - Sagot: Biyulin (Violin)
  179. "Aso ko sa Muralyon, lumukso ng pitong balon." - Sagot: Sungkaan
  180. "Lumalalim kung bawasan, bumababaw kung dagdagan." - Sagot: Tapayan
  181. "Buklod na tinampukan, saksi ng pag-iibigan." - Sagot: Singsing
  182. "Instrumentong pangharana, hugis nito ay katawan ng dalaga." - Sagot: Gitara
  183. "Isang panyong parisukat, kung buksa’y nakakausap." - Sagot: Sulat
  184. "Pitong bundok, pitong lubak, tig-pitong anak." - Sagot: Sungkaan
  185. "Aso ko sa muralyon, lumukso ng pitong balon." - Sagot: Sungkaan
  186. "Pinilit na mabili, saka ipinambigti." - Sagot: Kurbata
  187. "Baboy ko sa Sorsogon, kung di sakyan, di lalamon." - Sagot: Kudkuran
  188. "Matanda na ang nuno di pa naliligo." - Sagot: Pusa
  189. "Kaaway ni Bantay, may siyam na buhay." - Sagot: Pusa
  190. "Maliit pa si kumpare, nakakaakyat na sa tore." - Sagot: Langgam
  191. "Maliit pa si kumare, marunong ng humuni." - Sagot: Kuliglig
  192. "Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari." - Sagot: Paruparo
  193. "Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas." - Sagot: Gamu-gamo
  194. "Bahay ng aluwagi, iisa ang haligi." - Sagot: Bahay ng Kalapati
  195. "Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo." - Sagot: Gumamela
  196. "Hindi naman hari, hindi naman pare, nagsusuot ng sarisari." - Sagot: Sampayan
  197. "May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan." - Sagot: Kumpisalan
  198. "Sundalong Amerikano, nakatayo sa kanto." - Sagot: Poste
  199. "Sapagkat lahat na ay nakahihipo; walang kasindumi’t walang kasimbaho; bakit mahal nati’t ipinakatatago." - Sagot: Salapi o Pera
  200. "Tatlong hukom, kung wala ang isa’y hindi makakahatol." - Sagot: Apog, ikmo at bunga
  201. "Tinuktok ko ang bangka, naglapitan ang mga isda." Sagot: Kampana
  202. "Bahay ni San Vicente, punung-puno ng diyamante." Sagot: Granada
  203. "Rubing nanggaling sa brilyante, brilyanteng nanggaling sa rubi." - Sagot: Itlog
  204. "Likidong itim, pangkulay sa lutuin." Sagot: Toyo
  205. "Pampalapot sa sarsa, almirol sa kamiseta." Sagot: Gawgaw
  206. "Isang lupa-lupaan sa dulo ng kawayan." Sagot: Sigarilyo
  207. "Buhok ng pari, hindi mahawi." - Sagot: Tubig
  208. "Lumalakad nang walang paa, maingay paglapit niya." - Sagot: Alon
  209. "Nang hinawakan ko ay namatay, nang iniwan ko ay nabuhay." Sagot: Makahiya
  210. "Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo." - Sagot: Buwan
  211. "Kakalat-kalat, natisud-tisod, ngunit kapag tinipon, matibay ang muog." Sagot: Bato
  212. "Dalawang katawan, tagusan ang tadyang." - Sagot: Hagdanan
  213. "Palda ni Santa Maria, ang kulay ay iba-iba." - Sagot: Bahaghari
  214. "Kung sa isda, ito ay dagat, kung sa ibon, ito’y pugad, lungga naman kung ahas, kung sa tao, ano ang tawag?" - Sagot: Bahay
  215. "Puno ay layu-layo, dulo’y tagpu-tagpo." - Sagot: Bahay
  216. "Tungkod ni apo hindi mahipo." - Sagot: Ningas ng kandila
  217. "Uka na ang tiyan, malakas pang sumigaw." - Sagot: Batingaw
  218. "Ang sariwa’y tatlo na, ang maitim ay maputi na, ang bakod ay lagas na." - Sagot: Matanda
  219. "Pag-aari mo, dala-dala mo, Pero madalas gamitin ng iba kaysa sa iyo." - Sagot: Pangalan
  220. "Maaari mong makita ako sa tubig, ngunit hindi ako basa." - Sagot: Panganganinag (reflection)
  221. "Lupa ni Mang Juan, kung sinu-sino ang dumadaan." - Sagot: Kalsada
  222. "Bahay ko sa Pandakan, malapad ang harapan." - Sagot: Pantalan
  223. "Alin sa mga santa ang apat ang paa?" - Sagot: Sta. Mesa

Nagustuhan niyo ba ang mga bugtong na ito?

Meron pa ba kayong mga bugtong na gustong niyong idagdag sa listahan sa itaas, ipost lang sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Mga Bugtong at Sagot (Biggest Collection - 220+ Bugtong)" was written by Mary under the Filipino category. It has been read 54721 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 08 July 2018.
Total comments : 1
Dewlto [Entry]

atorvastatin us <a href="https://lipiws.top/">lipitor 80mg for sale</a> buy lipitor 20mg sale