Dalawa ang ibig sabihin ng " mahal" sa bisaya. Ginagamit ang mahal bilang pangalan (noun) at pang-uri (adjective). Narito ang dalawang kahulugan ng mahal sa bisaya:
1. Mahal - (noun), means "hinigugma" (hi-ni-gug-ma) - lover.
- Ang Bisaya/Cebuano translation ng mahal ay "hinigugma" (hi-ni-gug-ma).
- Pero sa panahon ngayon, bihira lang ginagamit ang salitang "hinigugma" sa bisaya (cebuano). Iba kasi ang pakiramdam pag narinig ng mga Bisaya na sinasabihan sila ng kanilang kasintahan o asawa na "hinigugma". Asiwa o "corny" pakinggan ang salitang yan. Old style na kasi ang salitang "hinigugma".
- Mas madalas ginagamit ng mga Bisaya ang mga salitang English na "Labs" (loves), "Babes", "Honey", "Sweetie"
- Ginagamit ng mga Bisaya ang salitang tagalog na "mahal" kapag tumutukoy sila sa kanilang kasintahan o asawa.
- Kaya mas mabuting tawagin mo na lang ang kasintahan mo na "Honey", "Babes", "Sweetie" o "Mahal" kesa sa "Hinigugma". Nasa modernong panahon na tayo ngayon. Nagbabago ang salita at ang iba nawawala kaya hindi maiiwasan na gumamit ng mga salitang banyaga.
2. Mahal - (adjective), means "mahal" (expensive) o mahal ang presyo.
- Ang Bisaya/Cebuano translation ng mahal (expensive) ay "mahal".
- Ang salitang "mahal" na tumutukoy sa presyo ay katulad din ng salitang tagalog. Tumutukoy sa presyo na mataas.
- Mga halimbawa na pangungusap gamit ang salitang "mahal" na tumutukoy sa presyo:
- Mahal imong isda. (Mahal yong isda mo.)
- Mahal imong bugas. (Mahal yong bigas mo.)
- Mahal imong TV. (Mahal yong TV mo.)
- Mahal imong panty. (Mahal yong panty mo.)
- Mahal imong masahe. (Mahal yong masahe mo.)
- https://www.affordablecebu.com/
Please support us in writing articles like this by sharing this post
Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.
--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.
"What is Mahal in Bisaya?" was written by Mary under the Bisaya-Cebuano category. It has been read 17024 times and generated 1 comments. The article was created on 22 September 2018 and updated on 22 September 2018.
|