Home » Articles » Literature

Mga Slogan Tungkol sa Trabaho (Paggawa)

Trabaho (Paggawa) - isang aspeto ng ekonomiya na nagpapakilos sa puhunan o makinarya upang makagawa ng kapaki-pakinabang na produkto o serbisyo na nagbibigay kasiyahan o nagpupuno sa pangangailangan ng tao.

Tama ang sabi ng iba, "Kung hindi ka magtatrabaho, paano ka aasenso?". Kelangan ang trabaho upang mabuhay at maging produktibo ang tao.

Kaya hindi matatawaran ang kahalagahan ng paggawa.

Upang lalong paalabin ang halaga ng trabaho sa tao, narito gumawa kami ng pinakamalaking koleksyon ng mga slogan tungkol sa trabaho.
Mga Slogan tungkol sa Trabaho

Mga Slogan Tungkol sa Trabaho

 
1. Laging magsikap sa trabaho upang ang kagandahan ng buhay ay matamo, kaya huwag magpapakatamad upang hindi maging sawing palad. - by wilkins dableo

2. Ang trabaho’y pahalagahan upang biyaya’y makamtan, sapagkat kung hindi mo ito tatalimahin tiyak kahirapa’y kakamtin.  - by wilkins dableo

3. Magtrabaho ng magtrabaho upang makitang lubos ang pagbabago, kaya magsikap ng magsikap upang makamta’y tuwa’t galak.  - by wilkins dableo

4. Bawal ang maging tamad sapagkat ito’y maghahatid sa iyong kasawian, kaya magsumikap sa paghahanap-buhay para makamit ang tunay na kaginhawaan.  - by wilkins dableo

5. Ang trabaho’y pahalagahan upang pagsulong ay makamtan, kaya laging pumasok sa trabaho para pag-unlad ay matamo.  - by wilkins dableo

6. Lagi kang mag-ingat upang trabaho’y mapanatili, sapagkat sa oras na ikaw ay magkamali trabaho’y mapapawi.  - by wilkins dableo

7. Ang trabaho’y pagbutihin para ang pag-unlad ay kamtin, sapagkat sa oras na hindi mo ito pagtalagahan wala kang sahod na mapagkukunan.  - by wilkins dableo

8. Hindi man ako kasing talino ng iba pero pinagbubuti ko naman ang trabaho na masaya.  - by wilkins dableo

9. Hindi ako nalulungkot kung aatasan ako ng maraming trabaho, sapagkat nauuwaan kong lubos na dito ako aasenso.  - by wilkins dableo

10. Masarap ang maghanap-buhay dahil dito ka mabubuhay, kaya dapat kang laging magalak kapag ang oportunidad ang sa iyo’y inilagak.  - by wilkins dableo

11. Ang trabaho ay mahalaga lalo kapag mayroon kang pamilya, kaya dapat itong pagbutihin upang ang pangarap ay kamtin.  - by wilkins dableo

12. Ang taong masipag laging nagtatrabaho, ang taong tamad laging nagrereklamo.  - by wilkins dableo

13. Dapat kang maghanap-buhay upang makatulong ka sa mahal sa buhay, sapagkat sa oras na ikaw ay hihingan mayroon kang mapagkukunan.  - by wilkins dableo

14. Ang trabaho ang isa sa mahalagang bagay sa tao, dahil ito ang pinagkukunan ng kanyang pangangailangan .  - by wilkins dableo

15. Turuan mo ang tamad kung paano umunlad sa buhay , hindi yung pinagagalitan mo sila, at ipinahihiya sa iba.  - by wilkins dableo

16. Ang negosyo ang isa sa magandang trabaho, kaya ito ang isa sa magandang iplano para ang pera ay sigurado.  - by wilkins dableo

17. Ang susi ng tagumpay ay nasa pagsisikap sa paghahanap-buhay, kaya laging magtrabaho upang pagtatagumpa’y matamo.  - by wilkins dableo

18. Ano man ang iyong trabaho dapat laging makontento, sapagkat sa panahon na ikaw ay magreklamo wala kang makukuhang abuno.  - by wilkins dableo

19. Laging mag-isip ng pamamaraan kung ano ang mapagkakakitaan, hindi yung puro gasto ang nalalaman, hindi naman mapapakinabangan.  - by wilkins dableo

20. Magtrabaho ng magtrabaho upang ikaw ay aasenso, para sa pagdating ng panahon may maiimbak ka, at hindi magiging kawawa.  - by wilkins dableo

21. Pangit man ako sa paningin ng iba, pero masigasig naman ako sa paghahanap-buhay para sa aking pamilya.  - by wilkins dableo

22. Magiging makulay ang ating buhay kung seseryusuhin natin ang ating hanap-buhay.  - by wilkins dableo

23. Huwag kang pakampanti kung ano ang naabot mo sa buhay, sa halip ituon ang  sarili para sa trabaho’y manatili.  - by wilkins dableo

24. Wala kang mapapala sa pagiging tamad, ibangon ang sarili’y para sa lubusang pag-unlad.  - by wilkins dableo

25. Nalulungkot ang sarili ko, kung hindi ako makahanap ng maayos na trabaho.  - by wilkins dableo

26. Ituon mo ang iyong sarili’y sa paghahanap-buhay, upang susulong ka patungo sa  magandang buhay.  - by wilkins dableo

27. Dapat kang matuwa kung anong trabaho ang nasa sa iyo, dahil ito ang siyang magpapa-unlad sa pamilya mo.  - by wilkins dableo

28. Nasusukat ang iyong kalidad sa pamamagitan ng iyong abilidad.  - by wilkins dableo

29. Ang taong masipag laging naghahanap ng trabaho, ang taong tamad laging naghahanap ng gulo.  - by wilkins dableo

30. Ang trabaho ay hindi mahirap hanapin, basta laging magsikap sa paghahanap, at ito’y masusumpungan din.  - by wilkins dableo

31. Ang hindi marunong magmahal sa kanyang trabaho ay mas masahol pa sa tamad na aso.  - by wilkins dableo

32. Huwag maging agesibo sa trabaho, dapat kalmado ka lang tiyak makikita mo unti-unti ang pagbabago.  - by wilkins dableo

33. Laging gumawa ng paraan kung ano ang maitatrabaho, hindi yung puro plano nalang tiyak hindi ka aasenso.  - by wilkins dableo

34. Magsuri kung ano ang sekreto ng iba kung bakit sila nagtatagumpay, kapag nalaman mo iyon sigurado yayaman ka’t hindi maglalaon.  - by wilkins dableo

35. Ayusin mo ang iyong pinagkakakitaan upang hindi ka mapapagalitan.  - by wilkins dableo

36. Kapag mayroon kang trabaho, mayroon kang makukuhang sweldo, pero kapag wala kang hanap-buhay pagpapala’y mawawala ng sabay-sabay.  - by wilkins dableo

37. Mamuhay ng marangal ng naaayon sa kalooban, kaya dapat siguraduhing malinis ang iyong pinagkakakitaan.  - by wilkins dableo

38. Maganda maghanapbuhay kung mabuti ang iyong hangarin, pero papangit ito kapag masama ang iyong layunin.  - by wilkins dableo

39. Hindi man ako kasing gwapo ng iba, pero masipag naman ako kumpara sa kanila.  - by wilkins dableo

40. Dapat sa trabaho lagi kang produktibo para sa gayung kaparaanan pag-angat sa buhay ay makamtan.  - by wilkins dableo

41. Huwag mong kakalimutan na ang pinagkukunan ng pang araw-araw ng iyong pangaigailangan ay ang iyong kasipagan.  - by wilkins dableo

42. Magtrabaho ka ng marangal upang susulong ang iyong dangal, sapagkat sa oras na ikaw ay magloko siguradong wala kang makukuhang saklolo.  - by wilkins dableo

43. Laging magtrabaho, huwag puro reklamo.  - by wilkins dableo

44. Mag-ingat ka sa trabaho upang hindi ka maging paralesado, kaya sa bawat paggawa mo sa iyong buhay dapat laging sigurado.  - by wilkins dableo

45. Magsikap sa pag-aaral para magandang hanap-buhay ay makamtan, dahil sa oras na hindi ka makapagtapos masaganang biyaya’y hindi bubuhos.  - by wilkins dableo

46. Kapag dumating na ang trabaho sa iyong buhay, huwag mong sasayangin ang pagkakataon kasi minsan lang ito dumarating sa isang taon.  - by wilkins dableo

47. Huwag kang padadaig ng iyong katamaran, sapagkat ito ang mag-aahon sa iyo mula sa kahirapan.  - by wilkins dableo

48. Ikarangal mo ang iyong trabaho, dahil ito ang nagbibigay sa iyo ng pansustinto.  - by wilkins dableo

49. Sa panahon ngayon mahirap ng makahanap ng trabaho, kaya sa pag-aplay mo pa lang hindi dapat maging suplado.  - by wilkins dableo

50. Kung gusto mong guminhawa ang iyong buhay humanap ka ng hanap-buhay, at ibigin mong tunay.  - by wilkins dableo

Meron ba kayong mga natatagong slogan diyan tungkol sa trabaho (paggawa)?, pwede ninyong ipost ito sa comment sa ibaba. Isasama namin ang inyong mga slogan sa listahan sa itaas kasama ang inyong pangalan bilang may-akda. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Mga Slogan Tungkol sa Trabaho (Paggawa)" was written by Mary under the Literature category. It has been read 32808 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 06 December 2018.
Total comments : 1
Player 1 [Entry]

Corny