Home » Articles » Literature

Maikling kwento tungkol sa kahirapan

Maikling kwento tungkol sa kahirapan
"Narito ang mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa kahirapan. Kung may komento o katanungan, maaari mong i-komento sa ibaba.Talaan ng NilalamanAmbisyonKapuri-puring bataAng InapiAmbisyonHindi maikakailang mahirap lamang si Mia. Dahil rito’y napilitan siyang tumigil sa pag-aaral at mamasukan bilang isang katulong. Hindi alintana sa kanya ang pagod at hirap ng kanyang trabaho kung kaya’t laking tuwa niya nang niregaluhan siya ng kanyang amo ng oportunidad na pinakagusto niya sa lahat.Ang kwento ay nagsusulong ng adhikaing walang bagay ang hindi matatamo kung pinagsikapan at pinag-igihan ng sobra. Lahat ng mabubuting bagay ay hindi nakukuha nang madali.Kapuri-puring bataHigit na nakalalamang si Ralph sa kanyang mga kasabayan at kaklase. Palagi itong nangunguna sa klase, may paraan upang makakita ng pera, may ‘raket’ upang makaipon, at may plano’t direksyon sa buhay kahit na ito’y napakabata pa. Ang nakapagmulat sa kanya? Ang kahirapan ng kaniyang pamilya.

Mahihinuha sa kwento na imbes na gawing hadlang ang kahirapan upang umunlad ay gawin itong isang inspirasyon upang mapabuti ang sarili. Wala ring limitasyon o age range ang pagiging masipag at dedikado. Kung tama ang pagkagagamit ng isip ay tiyak na aasenso ang isang tao.Ang InapiIsa sa walong magkakapatid sa isang mahirap na pamilya si Rona kung kaya’t wala siyang ibang magagawa kung hindi ay manilbihan sa kanyang tiyahin sa Metro Manila. Araw-araw siyang inaapi at inuulan ng trabaho ng pamilya ng tiyahin niya—hindi pinapakain ng sabay, hindi binibigyan ng perang pambaon, pinapalaba, pinapalinis, pinapaligo ng kanyang mga pinsan. Maliit ang pagtingin nila sa matiisi’t mahirap na si Rona, ngunit agad nilang kinain ang kanilang mga salita nang sila’y lumaki.Naipapakita ng kwento na ang determinado’t dedikadong tao’y hindi kailanman man magpapadausdos sa mga dagok sa buhay. Huwag ding batuhin ang mga taong nagbato saiyo, bagkus ay gawin itong gasolina sa pagpabubuti ng iyong sarili.What’s your Reaction?+1 12+1 2+1 2+1 1+1 2+1 1+1 3 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Maikling kwento tungkol sa kahirapan" was written by Mary under the Literature category. It has been read 370 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 January 2023.
Total comments : 1
Wiwgoh [Entry]

oral lipitor 20mg <a href="https://lipiws.top/">order atorvastatin sale</a> order lipitor online cheap