Home » Articles » Literature

Ano ang Salawikain?

Ano ang Salawikain?
"Ang salawikain o proverbs ay bahagi ng kasabihan o saying na nagmula sa mga payo o pahayag ng matatanda ayon sa sarili nilang mga karanasan o nagmula pa sa kanilang mga ninuno.Ito ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan upang magsilbing gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay.Pinagkaiba ng salawikain at sawikainAng salawikain ay proverb sa Ingles, habang ang sawikain naman ay slogan.Ang salawikain ay maaari ring tawaging pilosopiya ng ating bansa, habang ang sawikain ay maaaring mga idyoma.Ang salawikain ay isang maikling payo tungkol sa isang kaugalian o pagpapahayag ng isang paniniwala na sinasang-ayunan ng karamihan, habang ang sawikain ay isang parirala na hindi agad mauunawaan dahil hindi literal ang ibig sabihin ng mga ito.

Ang mga salawikain sa Pilipinas ay batay sa mga pamumuhay, pilosopiya, karunungan at kalinangan ng mga katutubong Pilipino. Ito rin ay sumasalamin sa kultura ng mga Pilipino kaya naman maaari rin itong tawaging katuruan o pilosopiya ng Pilipinas. Sinasabi na ang paggamit ng salawikain sa pakikipag-usap ay nangangahulugan na ang nagsasalita ay nagbibigay diin sa isang kaisipan o punto. Bilang mga pananalita ng mga ninuno na naisalin at naipasa ng iba’t ibang henerasyon, nilalarawan ang salawikain bilang isang palamuti sa wika lalo na sa wikang Filipino.Kadalasan ay naililito ang karamihan sa pagitan ng salawikain at sawikain. Dahil dito, narito ang ilang gabay upang malaman ang kaibahan nito sa isa’t isa.Basahin ang kahulugan ng sawikainBasahin ang kahulugan ng kasabihanMga halimbawa ng salawikain/kasabihanSalawikain tungkol sa edukasyon
<img decoding=""async"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/04/edukasyon.jpg"" sizes=""(max-width: 600px) 100vw, 600px"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/04/edukasyon.jpg 600w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/04/edukasyon-300x200.jpg 300w"" alt=""edukasyon"" width=""600"" height=""400"" title=""Ano ang Salawikain? - Gabay.ph"">Ang isip ay parang itak, sa hasa tumatalas.Ang taong mapagtanong, daig ang marunong.Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.Salawikain tungkol sa kabataan
<img decoding=""async"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/04/kabataan.jpg"" sizes=""(max-width: 600px) 100vw, 600px"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/04/kabataan.jpg 600w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/04/kabataan-300x200.jpg 300w"" alt=""kabataan"" width=""600"" height=""400"" title=""Ano ang Salawikain? - Gabay.ph"">Ang batang matigas ang ulo ay mahirap matuto.Buntong-hiningang malalim, malayo ang nararating.Salawikain tungkol sa kaibigan
<img decoding=""async"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/04/pambata.jpg"" sizes=""(max-width: 600px) 100vw, 600px"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/04/pambata.jpg 600w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/04/pambata-300x200.jpg 300w"" alt=""pambata"" width=""600"" height=""400"" title=""Ano ang Salawikain? - Gabay.ph"">Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan.Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila.Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan.Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya.Salawikain tungkol sa buhay
<img decoding=""async"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/04/buhay.jpg"" sizes=""(max-width: 600px) 100vw, 600px"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/04/buhay.jpg 600w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/04/buhay-300x200.jpg 300w"" alt=""buhay"" width=""600"" height=""400"" title=""Ano ang Salawikain? - Gabay.ph"">Ang hindi lumingon sa pinanggalingan hindi makakarating sa paruruonanNasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.Ako ang nagbayo at nagsaing subali’t nang maluto’y iba ang kumain.Aanhin mo ang palasyo, kung ang nakatira ay kuwago. Mabuti pa ang bahay kubo, ang nakatira ay tao.Salawikain tungkol sa pag-ibig
<img decoding=""async"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/04/pagibig.jpg"" sizes=""(max-width: 600px) 100vw, 600px"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/04/pagibig.jpg 600w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/04/pagibig-300x200.jpg 300w"" alt=""pag-ibig"" width=""600"" height=""400"" title=""Ano ang Salawikain? - Gabay.ph"">Ang pagsintang labis na makapangyarihan, pag ikaw ay pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.Batang puso, madaling marahuyo.Ang pag-aasawa ay hindi biro, hindi tulad ng kanin mailuluwa kung mapaso.Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy.Walang matiyagang lalake, sa pihikang babae.What’s your Reaction?+1 3+1 0+1 0+1 0+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ano ang Salawikain?" was written by Mary under the Literature category. It has been read 376 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 30 January 2023.
Total comments : 1
Jyyfiz [Entry]

lipitor pill <a href="https://lipiws.top/">atorvastatin 40mg price</a> buy lipitor 80mg online cheap