Home » Articles » Literature

Ano ang Panitikan?

Ano ang Panitikan?
"Ang panitikan o literature ay ang pasulat na paghahayag ng kaisipan o damdamin tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pamumuhay, paniniwalang pampulitika, pananampalataya, at pag-uugaling panlipunan. Ang pagsulat ng panitikan ay nagsasanhi ng matagal na gana at pagkawili mula sa mga mambabasa dahil sa anyo, pananaw, at diwang taglay nito.Ang panitikan ay isang uri ng sining na nakapaloob ang mga akdang may nais ipakita at ipahayag. Maaaring matagpuan sa anyong pasulat, pabigkas, o paaksyon ang panitikan ngunit ito’y may natatanging anyo o porma.Ito ay nakahango sa salitang “pang-titik-an”, na kung saan ang pang- at ­an- ay ang unlapi’t hulapi at ang titik ay nagkakahulugang literatura. Ang panitika’y sumisimbolo ng maraming damdami’t imahinasyon, ngunit mas kilala ito bilang isang talaan ng buhay—nakapaglalaman ito ng iba’t-ibang masining gawa na puno ng damdamin, opinyon, karanasan, at kasaysayan ng isang partikular na bansa o lugar.Sa pagdadagdag, ang panitika’y isang paraan ng pagpapahayag ng indibiduwalismo at karanasan ng mga may-akda. Naipapakita sa pamamagitan rito kung malungkot, masaya, nalulugmok, natatakot, o nanlulumo ang may-akda.
Basahin ang iba pang impormasyon kung ano ang panitikan sa ibaba.Table of ContentsDalawang Uri ng PanitikanPiksyon o Kathang-isip (Fiction)Di-piksyon o di-kathang-isip (Non-fiction)Anyo ng PanitikanKahalagahan ng PanitikanMga Halimbawa ng PanitikanPanitikan ng MindanaoPanitikan sa Panahon ng HaponPanitikan sa Panahon ng KatutuboPanitikan ng IndonesiaDalawang Uri ng Panitikan<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""256"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/06/uri-ng-panitikan-1024x256.jpg"" alt=""uri-ng-panitikan"" class=""wp-image-3123"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/06/uri-ng-panitikan-1024x256.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/06/uri-ng-panitikan-300x75.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/06/uri-ng-panitikan-768x192.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2018/06/uri-ng-panitikan.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Ano ang Panitikan? - Gabay.ph"">May dalawang uri ng panitikan—kathang isip o piksyon at di-kathang isip o di-piksyon.Piksyon o Kathang-isip (Fiction)Ang kathang isip o piksyon (nakahango sa salitang latin: fictum, na ibig sabihi’y nilikha) ay isang uri ng panitikang nakahango sa mga karanasan, kaisipan, at kasaysayang hindi makatotohana’t hindi kailanma’y nangyari sa totoong buhay at sa halip ay bunga ng imahinasyon at haka-haka ng tagapagsulat.Ginagamit ng manunulat ang kanyang imahinasyon upang makasulat ng akdang bungang-isip lamang sa pamamagitan ng paggawa ng sariling mga tauhan, pangyayari, tagpuan, at sakuna.Di-piksyon o di-kathang-isip (Non-fiction)Ang di-piksyon o di-kathang isip ay ang kabaliktaran ng piksyon—ito ay ang mga akdang naglalahad, nagsasalaysay, at nagbabahagi ng pangkalahatang katotohanan. Ang tagapagsulat ay bumabatay sa mga tunay na pangyayari at balita, at hindi kailanma’y dadagdagan ng bahid ng imahinasyon o haka-haka.Sa panitikan namang ito, binabatay ng may-akda ang kanyang pagsulat mula sa ibang tao o tunay na pangyayari tungkol sa isang paksa. Ito ay hindi gawa-gawa lamang, hindi tulad ng piksyon.
Anyo ng PanitikanAng panitika’y nakahati sa dalawang anyo: patula at prosa/tuluyan.Ang patulang panitikan ay karaniwang ginagamit sa pagpapahayag ng damdamin at pakiramdam. Ang patula’y pinagsama samang salita para makagawa ng taludtod  na isinusulat nang pasaknong. Ito’y nakakulong sa himig at limitasyon ng pantig at rima na natatag ng may-akda at may suka’t tugma.Ang prosa o tuluyan nama’y karaniwang ginagamit sa pagpapahayag ng kaalama’t kaisipan. Salungat ng patula, ang prosa ay ang malayang pagdadagdag ng mga salita upang makapagbuo ng katutubong ayos ng pangungusap. Hindi ito nakakulong sa himig at limitasyon ng rima at ito’y nakasulat sa pasaknong na paraan.Kahalagahan ng PanitikanAng kahalagahan ng panitika’y di kadalasang namamataan ng mga mamamayan, lalo na sa pagsibol ng bagong teknolohiya ngunit, hindi ibig sabihin nito’y lumiit ang importansya ng panitikan. Mahalaga ang panitikan sapagka’t ito ay sumisimbolo ng kasarinlan ng mga Pilipino. Ito ri’y nagsisilbing ebidensiya ng yaman ng isip at talino ng ating mga ninuno.Ang panitikan din ay ang paglalakbay ng mga Pilipino sa pagpapabuti ng kanilang literatura at sining—ito’y nagsisilbing gabay at talaan ng mga gawa ng mga Pilipino nang sa gayo’y maipagbubuti pa ng mga bagong may-akda ang panitikan at sining ng Pilipinas. Parte rin ang panitikan sa kultura nating mga Pilipino, sapagkat nakapaloob nito ang ating patakaran, sining sa digmaan, at pagmamahal sa bayan.Mga Halimbawa ng Panitikan<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""256"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/halimbawa-ng-panitikan-1024x256.jpg"" alt=""halimbawa ng panitikan"" class=""wp-image-3113"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/halimbawa-ng-panitikan-1024x256.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/halimbawa-ng-panitikan-300x75.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/halimbawa-ng-panitikan-768x192.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/halimbawa-ng-panitikan.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Ano ang Panitikan? - Gabay.ph"">Panitikan ng MindanaoNapalipat lipat ang panitikan sa bibig ng mga mamamayan sa MindanaoKadalasang tema ng awiti’y panliligaw at pagpapakasalKultura ang paglilipat ng panitikan sa labi bilang isang libanganKadalasan ay piksyon o pagmamalabis, tula at awitin, o dramaMay impluwensiya ang mga katutubong namamalagi sa MindanaoPanitikan sa Panahon ng HaponGintong panahon ng panitikang PilipinoNaipasok ang haiku (5-7-5 na taludtod)Naipasok ang tanaga (7-7-7-7 na taludtod)Naipakilala ang konsepto at teorya ng FeminismoPagbuti ng panitikan sa wikang Filipino sapagkat bawal ang wikang InglesPanitikan sa Panahon ng KatutuboPanitikang malaya sa impluwensiya ng kolonyalismoMga gawaing nakasulat sa alibata/baybayin at SanskritKuwentong bayan, epiko, alamat, kantang bayan, salawikain, kasabihan, atpb.Pangunahing tema ang mga makapangyarihang bayaniImpluwensiya ng panitikang Indonesia ng mga pinakaunang nakatapak sa PilipinasPanitikan ng IndonesiaMay dalawang pangunahing uri: oral at nakasulat Nabubuo ng epiko, pabula, kuwentong bayan, bugtong, alamatOral na literatura’y karaniwang nagmumula sa mga pariNaimpluwensiyahan ng India at ArabNaimpluwensiyahan ng pulitika at konsepto ng NasyonalismoWhat’s your Reaction?+1 0+1 2+1 1+1 0+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ano ang Panitikan?" was written by Mary under the Literature category. It has been read 360 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 30 January 2023.
Total comments : 1
Vjjdvk [Entry]

buy atorvastatin 40mg <a href="https://lipiws.top/">atorvastatin 80mg usa</a> atorvastatin 40mg brand