Home » Articles » Literature

Ako'y Wika (tula ni Kiko Manalo)

Ako’y Wika 

Orihinal na tagalog na tula ni: Kiko Manalo 
Wikang Filipino ang aking pangalan, 
Ipinanganak ko itong kalayaan, 
Ako ang ina at siyang dahilan, 
Ng pagkakaisa at ng kasarinlan! 

Sapagkat ako nga ang siyang tumanglaw 
Sa bansang tahanang iyong tinatanaw, 
Katulad ng inang sa iyo ay ilaw, 
Nagbibigay-sigla’t buting sumasaklaw! 

Ako rin ang ama at naging haligi, 
Ng mga sundalo at mga bayani, 
Sa digmaan noon sa araw at gabi, 
Ako ang sandatang nagtaas ng puri! 

Pagkat akong wika ang lakas mo’t tuwa 
Ako’y lakas nitong bisig mo at diwa 
Sa pamamagitan ng aking salita, 
Ligtas ka sa uring luksong masasama! 

Sinalita ako at gamit ng lahat, 
Upang mga taksil ay maisiwalat, 
Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng s’yudad, 
Pati sa Mindanao, ako ay nangusap! 

At nakamit mo na ang hangad na laya, 
Mula sa dayuhang sakim at masama, 
Dilim na sumakop sa bayan at bansa, 
Dagling lumiwanag, pintig ay huminga! 

Wikang Filipino, ginto mo at hiyas, 
Panlahat na wika saan man bumagtas, 
Ilaw na maalab sa dilim ay lunas 
At lakas patungo sa tuwid na landas!

===== END =====


Meron pa ba kayong mga tula na isinalin sa wikang Filipino? Pwede niyo pong ipost sa comments sa ibaba.
- https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ako'y Wika (tula ni Kiko Manalo)" was written by Mary under the Literature category. It has been read 53599 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 04 August 2012.
Total comments : 14
jay [Entry]

Pisalbon
maybelle [Entry]

pwede rin po ba akong mag post
Guest [Entry]

maybelle, pwede, pwede niyong ipost dito sa comment.
maybelle [Entry]

Ang ganda naiprint ko na po hiniram ko na po pra may mai pass sa teacher thanks po tlga .......
Lexine Dasha Rombaoa [Entry]

i memorize it
lariza [Entry]

minemorize namin yan
Aijan Reigne T. Galindo [Entry]

Wika ng Pilipinas ay dapat ipagmalaki
alrey [Entry]

ito ang aking tula ngayong buwan ng wika 2013
msm [Entry]

reflection PLEASE!!!
ak [Entry]

this is the poem that we will recite on buwan ng wika
kim:) [Entry]

Kailangan english?
emily gogo benito [Entry]

can you give us a reflection of this poem of kiko manalo titled ako'y wika
kim:) [Entry]

yes nakatulong b sya
carina [Entry]

ano po talambuhay ni kiko manalo?