Home » Articles » Literature

50 Slogans Tungkol sa Edukasyon sa Pagpapakatao (Values Education)

Edukasyon sa Pagpapakatao - ito ang pag-aaral sa mga magaganda at di magagandang asal o moral ng tao. Pinagbibigyan diin nito ang pagsunod sa magagandang asal para sa kabutihan ng lahat.

Bilang pagbibigay-halaga sa edukasyon sa pagpapakatao, narito ginawa namin ang pinakamalaking koleksyon ng mga slogan tungkol sa edukasyon sa pagpapakatao.

Magsisilbi itong gabay at magbibigay-igting sa mga magagandang asal na dapat pairalin ng tao.

Halina't makibahagi sa paggawa ng mga slogan!
Slogans tungkol sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Slogans Tungkol sa Edukasyon sa Pagpapakatao (Values Education)

 
1. Laging igalang ang magulang upang pagpapala ay makamtan, kaya huwag silang kakalimutan upang hindi nila tayo tatalikuran. - by wilkins dableo

2. Lagi mong isipin na ang pagrespeto sa mga matatanda ay dapat panatilihin, kaya dapat silang pakamahalin upang pagpapala’y aanihin. - by wilkins dableo

3. Ang taong mabait, sa Panginoong Diyos lumalapit, subalit ang taong masama, kailanma’y hindi niya makakamtan ang tulong, at awa. - by wilkins dableo

4. Ang taong mababa ang loob biyaya ay ipagkakaloob, ang taong mapagmataas laging mapipintas. - by wilkins dableo

5. Laging sumunod sa utos ng magulang, upang kagalakan nila’y makamtan, dahil sa oras na sinaway natin ang kanilang kautusan, alam na natin ang maging kahinatnan. - by wilkins dableo

6. Baguhin ang ugaling masama upang mapaunlad ang sarili sa tama, dahil kapag hindi natin binago ang ugali ang pagkakamali’y mapapanatili. - by wilkins dableo

7. Ang batang gumagalang sa matatanda ay mapagmalasakit, samantang ang batang ayaw rumispeto sa matatanda ang hatid ay sakit. - by wilkins dableo

8. Ang taong tumatanggap ng pagkakamali, pag-unlad sa sarili’y mapapanatili.- by wilkins dableo

9. Ang matulungin sa kapwa tao, kailama’y hindi nang-aabuso, subalit ang taong mapagsamantala kinukuha ang hindi naman sa kanya. - by wilkins dableo

10. Ang taong palakaibigan ay maraming tulong ang mapagkukunan, subalit ang taong suplado kailanma’y hindi makahihingi ng saklolo. - by wilkins dableo

11. Huwag mong gawan ng masama ang iyong kapwa, bagkus ibigin mo siya ng buong puso, at awa . - by wilkins dableo

12. Ang taong mapagbigay sa kanyang kapwa, ay laging tumatanggap ng biyaya, at pagpapala. - by wilkins dableo

13. Ang taong matatakutin sa Panginoong Diyos ay laging sumusunod sa lahat ng kaniyang utos. - by wilkins dableo

14. Ang batang masunurin sa magulang ay mabait, Pero ang batang masuwayin sa magulang ay makulit. - by wilkins dableo

15. Ang pagiging tapat sa kapwa tao ay pundasyon, para tumatag ang pagsasamahan ninyo na parang korporasyon. - by wilkins dableo

16. Ang magulang ang gumagabay sa atin noong tayo ay bata pa, kaya dapat natin silang igalang, at pahalagahan samantalang nabubuhay pa sila. - by wilkins dableo

17. Ang mapagmalasakit sa kapaligiran ay ang taong minamahal ang likas na kayamanan, pero ang pagsira sa likas ng kalikasan ay isang kalapastanganan. - by wilkins dableo

18. Mapagmahal ang matulungin sa kanyang kapwa, subalit masungit ang nagkakait ng kanyang awa. - by wilkins dableo

19. Ang masunurin sa utos ng Diyos kailanma’y hindi lumalabag sa kanyang utos. - by wilkins dableo

20. Ang lumalabag sa kabawalan ay napaparusahan samantalang ang sumusunod sa batas ay napagpapaumanhinan. - by wilkins dableo

21. Hindi puro agresibo ang nalalaman, dapat mo ring masusing pinag-aaralan, upang ang tagumpay ay makamtan. - by wilkins dableo
 
22. Dapat kang magpakatapang, lalo kapag ang katotohanan ang iyong pinaninindigan, kaya ang pagsisinungaling ay hindi dapat panatilihin. - by wilkins dableo

23. Paunlarin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagsusuri, huwag mong tingnan ang iba kung ayaw mong mapintasan nila. - by wilkins dableo

24. Ang pagiging matulungin sa lahat ay nagpapakita ng tuwa’t galak, samantalang ang pigiging madamot ay laging nakasimangot. - by wilkins dableo

25. Ang nagtitiwala sa kaibigan ay nag-iimbak ng katapatan, pero ang kawalan ng katatagan ay nagbubunga ng bagabag, at kalungkutan. - by wilkins dableo

26. Huwag mong ipagdamot ang kayamanan, bagkus ipamahagi mo ito sa nangangailangan. - by wilkins dableo

27. Disiplinahin ang sarili, upang ang kagandahang asal ay mapanatili. - by wilkins dableo

28. Magtulungan ang bawa’t isa, upang umunlad, lumago, at sumulong ang ating bansa. - by wilkins dableo

29. Dapat suwayin ang lahat ng kabawalan, at sumunod sa batas ng lipunan. - by wilkins dableo

30. Dapat pakamahalin ang mga matatanda, habang sa mundo’y hindi pa sila nawawala. - by wilkins dableo

31. Huwag mong sarilinin ang iyong karunungan, bagkus ituro mo ito sa mga kapos ng katalinuhan. - by wilkins dableo

32. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi dapat pakitang tao, bagkus ito’y dapat magmula sa bukal ng iyong puso. - by wilkins dableo

33. Huwag kang malungkot kung nakatulong ka sa iyong kapwa, ang dapat mong ikalungkot kung nakakagawa ka ng sala. - by wilkins dableo

34. Huwag mong pagtawanan ang taong malungkot, bagkus tulungan mo siya upang hindi na siya nakasimangot. - by wilkins dableo

35. Lagi mong tatandaan na ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paruruunan, kaya huwag kang magpalalo, upang makikita ang sarili sa pagbabago. - by wilkins dableo

36. Huwag kang manghihinayang na tumulong sa iba, sapagkat sa panahon ng iyong pangaingailangan nandyan sila para tulungan ka rin nila. - by wilkins dableo

37. Respituhin mo ang iba, upang rerespituhin ka rin nila. - by wilkins dableo

38. Hindi man ako kasing gwapo sa kanila, pero matulungin naman ako sa iba. - by wilkins dableo

39. Aanhin mo ang kagandahan, kung hindi naman tumutulong para sa kapakanan ng bayan. - by wilkins dableo

40. Hindi man ako kasing talino para sa kanila, ang mahalaga nakabahagi ako ng kaunting kaalaman sa iba. - by wilkins dableo

41. Tingnan mo ang iyong sarili kung ano ang maiuunlad, hindi iyong humahanap ka ng kapintasan upang siraan ang kanilang pag-unlad. - by wilkins dableo

42. Ang pagtulong sa taong nangangailangan ay pagpapakita ng tunay na pagmamahalan. - by wilkins dableo

43. Ituon mo ang iyong pansin sa paruruunan, upang ang tagumpay mo’y walang katapusan. - by wilkins dableo

44. Lagi mong alalahanin na ang nag-aalaga sa iyo ay ang iyong magulang, kaya dapat mong suklian ang kanilang pagmamahal ng pagmamalasakit, at buong paggalang. - by wilkins dableo

45. Ang nagsasauli ng gamit ng iba ay pagmamalasakit, pero ang pagnanakaw ng gamit ng iba ay hindi maganda. - by wilkins dableo

46. Ang pagdidisiplina sa sarili ay lubhang kailangan, lalo na kapag ang pag-uusapan ay ang kapakanan para sa lipunan. - by wilkins dableo

47. Ang masuwayin sa batas ay makukulong, pero ang masunurin sa batas ay susulong. - by wilkins dableo

48. Huwag laging maging negatibo, dapat laging positibo upang ang pagbabago sa sarili’y laging matamo. - by wilkins dableo

49. Pagsabihan mo ang  mga lumalabag, at gabayan mo sila para sa kanilang pag-unlad. - by wilkins dableo

50. Dapat panatilihin ang pagpapaunlad sa sarili, at pagpapakatao para pagdating ng panahon ikaw ay magbabago, at maging produktibo. - by wilkins dableo

51. "Dito ilalagay ang iyong slogan" - dito naman ang iyong pangalan.

Meron ba kayong mga natatagong slogan diyan tungkol sa edukasyon sa pagpapakato (values education)?, pwede ninyong ipost ito sa comment sa ibaba. Isasama namin ang inyong mga slogan sa listahan sa itaas kasama ang inyong pangalan bilang may-akda. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"50 Slogans Tungkol sa Edukasyon sa Pagpapakatao (Values Education)" was written by Mary under the Literature category. It has been read 153718 times and generated 3 comments. The article was created on and updated on 04 December 2018.
Total comments : 3
Tabaching [Entry]

Bigyan kita nag puti puti puti
Itaas Kili Kili mo Amoy datu puti
Dika marunong ngumit kaysa sa butiki
Tabaching [Entry]

Baket
Pwet mo may Rocket
Lumpipad sa langit
Pagkababa maging panget
yela [Entry]

slogan tungkol sa kahalagahan ng pag aton sa katotohanan at pagiging tapat