Home » Articles » Legal Advice

Tenant, maaari bang paalisin ng bagong may-ari ng inuupahang lupa?

Tenant, maaari bang paalisin ng bagong may-ari ng inuupahang lupa?
"Dear Attorney,

Inuupahan lang po namin ang lupang kinatitirikan ng aming tindahan. Nalaman namin na naibenta na po ito sa iba nang padalhan kami ng bagong may-ari ng demand letter na nagpapaalis sa amin sa loob ng thirty days. Maari po ba kaming paalisin kahit may ilang buwan pa po ang natitira sa aming kontrata?

LanieAdChoicesADVERTISING




Dear Lanie,

Hindi ka maaaring paalisin kung Php 10,000 o pababa ang buwanang renta mo alinsunod sa Rent Control Act na nagbabawal sa orihinal na nagpapaupa o sa bagong may-ari na paalisin ang isang tenant sa kadahilanang may bago nang nagmamay-ari ng property.




Kung mas mataas naman sa Php 10,000 ang renta mo kada buwan ay maaari ka lamang paalisin kung hindi nakarehistro sa Registry of Deeds ang iyong lease contract. Nakasaad kasi sa Article 1648 ng ating Civil Code na kapag nakarehistro ang isang lease contract sa Registry of Deeds ay saka lamang nito maaring maging saklaw ang mga third persons o iyong mga indibidwal na hindi naman pumirma sa nasabing kontrata.

Ang isang kontrata kasi ay may bisa lamang sa pagitan ng mga partidong nagkasundo na pasukin ito; hindi ito maaring makaapekto sa mga indibidwal na hindi naman naging bahagi ng naging kasunduan. Dahil hindi naman siya naging bahagi ng lease contract ay maari kang paalisin ng bagong may-ari ng property, bukod na nga lang kung naiparehistro mo ito sa Registry of Deeds alinsunod sa Article 1648 ng Civil Code.

Ngunit kahit anuman sa dalawang sitwasyong nabanggit ang applicable sa iyo ay tandaan mo na hindi kayo maaring  paalisin ng puwersahan sa puwesto ninyo kung may hindi kayo pagkakaunawaan ukol sa isyu ng pag-okupa sa lupa. Kailangan munang may maisampang reklamo sa korte para sa ejectment bago kayo puwersahang mapaalis sa property na hawak n’yo ngayon bunsod ng inyong lease contract." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Tenant, maaari bang paalisin ng bagong may-ari ng inuupahang lupa?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 366 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0