Home » Articles » Legal Advice

‘Summons’ ng korte maaari bang balewalain?

‘Summons’ ng korte maaari bang balewalain?
"Dear Attorney,

Nakatanggap po ako ng summons na nagsasabing may nagsampa sa akin ng demanda para sa collection of sum of money at kailangan ko raw pumunta sa korte at sagutin ang mga paratang sa akin sa pamamagitan ng pagpa-file ng Answer. Wala pa po akong makuhang abogado at hindi ko rin naman po maaasikaso ito dahil sa aking trabaho.

Makaaapekto po ba sa kaso kung hindi ko muna pansinin ang natanggap na summons hanggang hindi pa ako nakakakuha ng abogado? Wala rin naman po kasing basehan ang mga paratang sa akin at harassment lang naman ang isinampang kaso laban sa akin. – Mel




Dear Mel,

May basehan man o wala ang kasong isinampa sa iyo, kailangan mo pa ring sumunod sa mga ipinag-uutos ng korte katulad ng summons na ipinadala sa iyo lalo na’t nakatanggap ka ng notice ukol dito. Maari kasing malagay ka sa default kung hindi ka makapunta sa korte at makapagsumite ng Answer mo laban sa mga paratang sa iyo.




Kung ideklara ng korte na ikaw ay in default, magpapatuloy ang pag-usad ng kaso ng walang partisipasyon mo at hindi ka na maaring magpresenta ng ebidensiya upang patunayan ang iyong mga depensa.

Ang payo ko sa iyo, sumagot ka pa rin sa summons na ipinadala sa iyo at ipaliwanag ang sitwasyon mo. Sabihin mo na naghahanap ka pa lang ng abogado at sana ay mabigyan ka ng palugit para sa deadline ng pagsusumite ng iyong Answer.

Sa pamamagitan nito, naipakita mo sa korte na handa ka namang sumunod sa mga ipinag-uutos nito ngunit wala ka lang talagang abogado sa ngayon. Mas madalas kaysa hindi, pinagbibigyan naman ng korte ang mga ganyang hiling lalo na’t may rasonableng dahilan katulad ng kawalan ng abogado." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"‘Summons’ ng korte maaari bang balewalain?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 535 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0