Home » Articles » Legal Advice

Pagpapataw ng preventive suspension sa mga empleyado

Pagpapataw ng preventive suspension sa mga empleyado
"Dear Attorney,

Dalawa po sa mga emple­yado ko ang nagtalo at nagkasakitan. Lasing palang pumasok ang isa sa kanila, na siyang nambugbog doon sa isang empleyado ko. Dahil dito, sinuspinde ko muna ang empleyadong pumasok ng lasing habang pinaiim-bestigahan ko pa ang buong nangyari. Tama po ba ang ginawa ko?

Jeffrey




Dear Jeffrey,

Masasabing preventive suspension ang ipinataw mo sa iyong empleyado. Alinsunod ito sa Section 8 ng Rule XXIII, Book V ng Omnibus Rules na nagpapatupad ng mga probisyon ng Labor Code.




Ayon sa nasabing probisyon, maaring patawan ng preventive suspension ang isang empleyado kung ang patuloy niyang pagpasok sa trabaho ay magdudulot ng panganib sa buhay o ari-arian ng kanyang employer o ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.

Nilinaw rin ng Korte Suprema sa kaso ng Beja Sr. v. CA (207 SCRA 689) na hindi parusa ang pagpapataw ng preventive suspension sa isang empleyado. Bagkus ay isa lamang itong paraan ng pag-iingat sa panig ng employer upang malayang maim-bestigahan ang sinasabing ginawang kamalian ng empleyado.

Walang matatanggap na sahod ang empleyadong isinailalim sa preventive suspension ngunit sakaling mapatunayan na wala naman palang basehan ang pagpapataw ng preventive suspension sa kanya ay kailangan ng employer na bayaran ang mga sahod na hindi niya natanggap dahil sa kanyang pagkakasuspinde.

Hindi mo nabanggit kung gaano katagal ang ipinataw mong suspensyon sa iyong empleyado. Mahalagang malaman mo na sa ilalim ng Section 9 ng Rule XXIII, Book V ng Omnibus Rules, hanggang 30 araw lang ang maaring itagal ng isang preventive suspension. Kapag sumobra na sa 30 araw, maari na itong tawaging constructive dismissal o hindi diretsahang pagsisante sa empleyado at maari nang maharap sa reklamo ang employer.

Kaya sa kaso mo, masasabing tama lang ang pagpataw mo ng suspensyon sa empleyado dahil sa ginawa niyang pananakit habang iniimbestigahan mo pa ang nangyari. Kailangan mo lang siguraduhin na hindi lalampas sa 30 araw ang suspensyong ipinataw mo.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad na legal advice dito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon. Mas mainam pa rin na kayo ay personal na kumunsulta sa isang abogado para sa inyong mga problemang legal." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Pagpapataw ng preventive suspension sa mga empleyado" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 696 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0