Home » Articles » Legal Advice

Napilitang mag-resign, may habol pa ba sa kompanya?

Napilitang mag-resign, may habol pa ba sa kompanya?
"Dear Attorney,

Matagal na po ako sa kompanyang pinapasukan ngunit ilang buwan na ang nakararaan, napilitan akong mag-resign. Balak na raw kasing magsara ng kompanya kaya kung gusto raw naming makakuha ng retirement benefits, dapat magbigay na kami ng resignation letter. Sa kagustuhan kong makakuha ng retirement benefits, napilitan akong mag-resign.

Ngayon po ay wala pa akong natatanggap na benepisyo at balita ko, hindi raw naman talaga magsasara ang kompanya. Ang totoo raw ay sinabi lang iyon ng management upang makapagbawas daw ng empleyado para makatipid ang kompanya.


googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-Instream_Video'); });



May habol pa po ba ako sa kompanya kahit na nagbigay ako ng resignation letter sa kanila? —Eddie

Dear Eddie,


googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-MREC_Article'); });



Kung ang tanging dahilan ng iyong pagbibigay ng resignation letter ay dahil sa napilitan ka matapos sabihin sa iyong magsasara na ang kompanya at upang ikaw ay mabigyan ng benepisyo, masasabing constructive dismissal ang nangyari sa sitwasyon mo.

Kapag sinabi kasing resignation, dapat ay wala itong kaakibat na kondisyon nang gawin ito ng empleyado, at buo ang intensiyon niyang tapusin na ang paninilbihan niya sa kanyang employer.

Masasabing hindi resignation ang ginawa mo dahil ginawa mo lamang ito sa pag-aakalang magsasara na talaga ang kompanyang pinapasukan mo at para sa sinasabing benepisyong matatanggap mo sakaling magbigay ka ng resignation letter.

Dahil hindi naman boluntaryo ang iyong naging pag-alis sa trabaho, at hindi naman papasok sa mga nararapat o pinapahintulutang dahilan ang pagkakatanggal mo, dapat kang pabalikin sa trabaho.

Kung sakali namang hindi na maganda ang magiging pakitungo sa iyo sa trabaho, ikaw ay dapat bayaran ng separation pay na katumbas ng isang buwang sahod para sa bawat taon ng iyong naging serbisyo.

Bukod dito, pabalikin ka man sa trabaho o bayaran ng separation pay, kailangan ka ring bayaran ng backwagers o iyong halagang dapat ay sinahod mo kung hindi ka sana napilitang mag-“resign” sa iyong trabaho." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Napilitang mag-resign, may habol pa ba sa kompanya?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 446 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0