Home » Articles » Legal Advice

Mga paraan upang hindi maloko sa pagbili ng lupa

Mga paraan upang hindi maloko sa pagbili ng lupa
"Dear Attorney,

Plano ko po bumili ng lupa bilang investment. Ano po ba ang mga paraan upang masigurado na hindi ako maloloko ng bibilhan ko?—Art

Dear Art,




Unang-una ay tanungin mo kung titulado na ang lupa at kung kanino nakapangalan ito. Kung may titulo na ay siguraduhin mo na ang mismong nakapangalan sa titulo ang kausap mo ukol sa gagawin mong pagbili.

Itsek mo rin ang kalidad ng papel na ginamit sa titulo. Kadalasan kasi ay parang kartolina ang kalidad ng materyal na ginamit ng mga palsipikadong titulo.




Kahit hindi peke ang titulo ay tingnan mo rin ang mga nakasulat sa dokumento. Minsan kasi ay hindi ito “malinis” at may nakasulat na tinatawag na annotations. Nakasaad sa mga annotations na ito ang mga “liability” ng lupa kaya kapag nabili mo na ang ari-arian ay ikaw na ang mananagot sa mga ito kapag ikaw na ang may-ari.

Kung wala namang titulo ay tanungin mo kung may tax declaration ba ang lupa. Bagama’t hindi sapat na pruweba ang tax declaration para mapatunayan ang pagmamay-ari sa lupa, makikita mo pa rin doon kung sino ang nagbabayad ng amelyar o real property tax, na indikasyon pa rin kung sino ang nagmamay-ari nito. Malalaman mo rin kung binabayaran ba ang amelyar dahil kung hindi ay baka kailangang isama mo ito sa kuwentahan ng magiging presyo ng lupa.

Kailangan mo ring siguraduhin na tugma ang sukat ng lupang binibili mo ayon sa mga dokumento at sa kung ano talaga ang pisikal na sukat nito. Maganda kung makahingi ka ng permit sa may-ari at saka ka kumuha ka ng geodetic engineer na susukat sa lupa alinsunod sa technical description sa titulo." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Mga paraan upang hindi maloko sa pagbili ng lupa" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 553 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0