Home » Articles » Legal Advice

Maari bang magpakasal kung mali ang kasarian sa birth certificate?

Maari bang magpakasal kung mali ang kasarian sa birth certificate?
"Dear Attorney,

Balak na po naming magpakasal ng boyfriend ko. Gusto ko lang po sanang itanong kung magkakaroon po ba ng problema dahil sa maling impormasyon sa birth certificate niya? Sa halip po kasi na male ay female ang nakalagay sa kanyang sex. Maikakasal po ba kami kahit ganoon ang nakasulat sa birth certificate niya?—Annie

Dear Annie,




Maaring magkaproblema kayo sa pagkuha ng marriage license. Kung kukuha kasi kayo ng marriage license ay kailangan n’yong isumite sa local civil registrar ang inyong birth certificates. Kapag nakitang parehong babae ang nasa inyong mga isi­numiteng birth certificates ay malamang na hindi kayo maiisyuhan ng marriage license dahil lalaki at babae lamang ang maaring maikasal sa ilalim ng ating batas.

Mainam na ngayon pa lang ay mag-request na ang boyfriend mo ng pagtatama ng nakalagay na kasarian sa kanyang birth certificate.


googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-MREC_Article'); });



Kailangan niyang pumunta sa lokal na civil registrar kung saan nakarehistro ang kanyang birth certificate at doon ay magsusumite siya ng petition na humihiling na baguhin ang kasariang nakalagay sa kanyang birth certificate.

Kasama ng petition ay kakailanganin niya ring magpasa ng mga sumusunod:

(1) Dalawa o higit pang mga dokumento kung saan nakasaad ang kanyang tamang kasarian, katulad ng school records at baptismal certificate;

(2) NBI/police clearance na nagsasabing walang nakabinbin na kaso o reklamo laban sa kanya;

(3) Paglathala sa pahayagan ng petition ng isang beses kada linggo, ng dalawang magkakasunod na linggo, at affidavit mula sa publisher na nagpapatunay nito; at

(4) Certification mula sa doktor na accredited ng gobyerno na nagsasabing hindi siya sumailalim sa sex change o pagpapalit ng kasarian.

Kaugnay ng huling nabanggit sa listahan, kailangan ito dahil ang binabanggit kong proseso ay para lamang sa mga “typographical errors” o iyong mga maling impormasyon na hindi sinasadyang nai-type sa birth certificate.

Hindi ito maari para sa mga nagpa-sex change at gustong iayon ang nakasaad sa kanilang birth certificate sa kung ano ang bago nilang kasarian." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Maari bang magpakasal kung mali ang kasarian sa birth certificate?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 758 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Hbffqy [Entry]

lipitor oral <a href="https://lipiws.top/">purchase atorvastatin online cheap</a> purchase lipitor generic