Home » Articles » Legal Advice

Katanungan sa right of way

Katanungan sa right of way
"Dear Attorney,

Kami pong magkakapatid ay may minanang lupa mula sa aming mga magulang. Napaghati-hatian na po namin ang lupa, ngunit ang napunta po sa akin ay napakalayo mula sa highway dahil ang dating shortcut na nagkokonekta sa kalsada at sa parteng namana ko  ay binakuran ng aking kapatid na nagsabing ang daan daw na iyon ay bahagi ng kanyang parte sa manang aming pinaghati-hatian.

Kadikit naman po talaga noong dating shortcut ang lupang kanyang natanggap mula sa pag­hahati ng aming minana kaya hindi ko na kukuwestiyonin kung bahagi ba iyon ng kanyang parte. Ang tanong ko lang po ay kung may karapatan ba akong sabihin na mayroon akong right of way dahil napakalayo po ng aking kailangang ikutin para lamang marating ang kalsada? —Evelyn




Dear Evelyn,

Hindi mo nabanggit kung ang lupang inyong pinaghati-hatian ay titulado. Nakalista kasi sa titulo ng isang lupa ang mga encumbrance o mga kondisyon na nagsisilbing restriksyon sa pagmamay-ari nito. Ang isa sa mga klase ng encumbrance ay ang right of way dahil obligado ang may-ari ng lupa na ilaan ang bahagi nito bilang daanan papunta sa pinakamalapit na highway.




Kung sakaling may titulo na ang lupa na pinaghati-hatian ninyo at nakalista sa titulo na nakalaan ang shortcut na sinasabi mo bilang right of way ay may  karapatan kang ipatanggal ang bakod at ipagpatuloy ang pagdaan sa nasabing shortcut.

Kung hindi naman titulado ang lupa o kaya’y may titulo ngunit hindi naman nakalista bilang encumbrance ang shortcut na sinasabi mo ay kailangan mo munang alamin kung karapat-dapat bang gawing right of way ang sinasabi mong shortcut.

Nakasaad sa Civil Code na kailangang lubos na napapaligiran ang lupa mo ng iba pang mga properties kaya wala ka nang daanan papunta sa highway. Kailangan din na hindi rin ikaw ang may dahilan kung bakit lubos na napaligiran ang iyong lupa. Hindi ka maaring humingi ng right of way kung halimbawa ay dati namang sa iyo ang isa sa mga nakapaligid ngunit ibinenta mo ito sa iba kaya wala ka nang madaanan palabas.

Kailangan din na ang lupang magiging right of way ang pinakamaikling daan papunta sa highway at kailangang mabayaran ito ng tama.

Base sa inilahad mo, maaring hindi pagbigyan ng korte ang hiling mo ng right of way dahil nabanggit mo na may daanan naman sa highway bagama’t napakalayo. Gayunpaman, kung sakaling maisipan mo pa ring magsampa ng kaso para sa right of way ay ipinapaalala ko lang na kailangan mo muna itong idulog sa barangay upang magkausap muna kayo ng iyong kapatid." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Katanungan sa right of way" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 707 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0