Home » Articles » Legal Advice

Empleyado, maari bang ipadestino ng employer sa malayong lugar?

Empleyado, maari bang ipadestino ng employer sa malayong lugar?
"Dear Attorney,

Nagtatrabaho po ako sa isang opisina sa Makati. Dahil maraming tinanggal na em-pleyado ang kompanya noong isang taon, sinabihan po ako na ililipat daw muna ako sa Visayas upang maging pansamantalang supervisor doon. Maari ko po bang tanggihan ang gustong pagpapalipat sa akin? Mahihiwalay po kasi ako sa pamilya ko kapag nagkataon. — Marlon

Dear Marlon,




Sa ilalim ng ating batas ay may tinatawag na management prerogative ang mga employers. Ang management prerogative  ay ang karapatan ng employer na magdesisyon sa lahat ng aspeto ng kanyang negosyo upang epektibo niyang mapamahalaan at masigurado ang kapakanan nito.

Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Mendoza vs. Rural Bank of Lucban (G. R. No. 155421, July 7, 2004) at Benguet Electric Cooperative vs. Fianza (G. R. No. 158606, March 9, 2004), ang paglilipat sa mga empleyado sa ibang lugar ay kabilang sa management prerogative ng isang employer kaya hindi ito labag sa batas basta hindi made-demote ang empleyado sa gagawing paglipat sa kanya sa ibang lugar at hindi mababawasan ang kanyang sahod at iba pang mga benepisyo.




Bukod dito, hindi rin dapat ginawa ang paglilipat bilang diskriminasyon o parusa, at hindi rin ito sinadya upang mapilitan ang empleyado na tuluyan na lang umalis na lang sa trabaho. Sa madaling sabi, ipinalipat dapat ang empleyado sa ibang lugar dahil kailangan talaga ito para sa ikabubuti ng negosyo.

Sa sitwasyon mo, wala ka namang nabanggit na iba pang dahilan kung bakit ka ipinapalipat sa Visayas bukod sa kaila-ngan ng supervisor doon. Kung wala ka namang  nakikita na masamang hangarin ang iyong kompanya sa pagpapalipat sa iyo at mukhang kailangan lang talaga na ipadestino ka sa ibang lugar ay hindi mo ito maaring tanggihan. Kung may sapat na dahilan kasi sa pagpapalipat ngunit hindi pa rin ito sinunod ng empleyado ay maari na itong matawag na insubordination na maaring maging dahilan ng pagkakatanggal ng empleyado sa trabaho." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Empleyado, maari bang ipadestino ng employer sa malayong lugar?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 614 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0