Home » Articles » Finance / Wealth

Paano magtipid ng pera?

Ang pagtitipid ng salapi o pera ay isang magandang ugali na dapat laging gawin upang makatulong sa wastong paggamit o paggastos ng salapi nang hindi naaaksaya. Nang sa gayon, nakakatulong ito sa pagpapaunlad sa buhay ng tao sa tahanan man at maging sa pamayanan. Kung nais mong matuto kung paano magtipid ng pera, narito ang ilang mga paraan nakalahad sa ibaba:
Paano magtipid ng pera
Paano magtipid ng pera (How to save money?) infographic


1. Magbukas or mag-apply ng "savings account" o "bank account" sa bangko. Kinakailangan mo ito para maitabi o maitago mo ang perang iipunin. Ang pag-iipon ng pera sa bangko ang pinakaligtas na paraan para ang maingatan ang pera laban sa mga magnanakaw, sunog o anumang sakuna makakasira sa pera. Bukod dito, ang iyong perang iniipon sa bangko ay kumikita ng "interest" kada taon. Hindi lang naiingatan, lumalaki pa ang pera mo sa bangko.

2. Huwag gumasta nang higit sa kinikita. Kung gumagastos ka nang higit sa iyong kinikita o "income", tiyak malulugmok ka sa utang at kahirapan. Kaya, pag-aralang mabuti at isulat mo kung magkano ang iyong kita at gastos sa isang buwan. Isulat mo ring kung ano ang iyong mga pinagkakakitaan at pinagkakagastusan. Sa ganitong paraan, magiging "aware" ka sa daloy ng iyong pera (cashflow).

3. Unahin ang kailangan at hindi ang kagustuhan. Huwag ugaliing bumili agad sa mga bagay na gusto mo lamang at hindi naman kailangan. Kung maliit lamang ang iyong kinikita, unahin ang kailangan tulad ng pagkain, pamasahe, 

4. Huwag maglagay ng napakaraming pera sa pitaka. Madalas natutukso ang tao na bumili ng mga bagay na hindi naman kinakailangan kapag nakikita niyang marami siyang persa sa pitaka.

5. Magtabi agad ng halagang iipunin (savings). Pagkatapos matanggap ang sahod o income, itabi agad ang para sa "savings".

6. Magkaroon ng "weekly budget plan" para sa pagkain. Ito ay pagpaplano at pagtatala ng sapat na salapi para sa mga pagkaing kailangan bilhin sa isang linggong pangangailangan. Kailangang mahigpit na sundin ang nakatakdang salapi na kailangang gastusing lamang sa pagkain. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang paggastos ng pera sa mga bagay na hindi naman kailangan.

7. Bawasan ang pagkain sa labas tulad ng pagkain sa mga fastfoods at mamahaling restaurants. Hanggat maaari, matutong magluto at kumain sa bahay para makatipid.

8. Bawasan ang luho. Huwag gumastos ng malaki sa luho (luxury items).

9. Maghinay-hinay sa paggamit ng credit card. Disiplinahin ang sarili sa paggamit nito dahil ang perang nasa credit card ay hindi sa iyo. Utang ito.

10. Bawasan ang utang. Kung mahilig kang mangutang, dapat mo itong bawasan. Hanggat maaari, dapat mong iwasan.

11. Maghanap ng additional source of income. Maging masipag sa paghahanap ng trabaho o negosyo na may malaking oportunidad na mas malaki ang kikitain. Kung meron kang "additional source of income", mas lalaki ang pagkakataon mong mag-ipon ng malaking halaga sa bangko.

12. Paunlarin ang iyong sarili. Napakaraming dapat matutunan lalo na sa pagdadala ng pera kung paano ito tipirin, kontrolin at palaguin. Tandaan, "you cannot share what you don't have".


Ikaw? Meron ka bang alam na ibang paraan kung paano magtipid ng pera. Ibahagi ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pag-post sa comment sa ibaba. Ilalagay namin sa itaas ang iyong mga suhestiyon o rekomendasyon kasama ang iyong pangalan.

- https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Paano magtipid ng pera?" was written by Mary under the Finance / Wealth category. It has been read 36057 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 05 June 2014.
Total comments : 2
jordanforextrading [Entry]

Hi gusto ko lang po mag share ng experience ko sa inattendan ko na seminar libre po sya at talagang maraming matutunan tungkol sa Forex trading dito sa pilipinas. Kahit sa maliit na investment lang po ay malaki na ang maari nyong kitain dahil matututo po kayo kung paano din maging successful sa larangan ng forex trading dito sa ating bansa.
von ryan andalan [Entry]

kailangan ko pa mag ipon ng pera.