- Investments na "double your money", "easy money" at "quick money" na lagpas ang kita sa umiiral na tubo sa mga bangko.
- Ang puhunan na pera ay kikita sa pag-recruit ng ibang tao at hindi sa pagbebenta ng produktong may halaga.
- Ikaw ay napangakuan ng "risk free" o 100% paniguradong balik ng iyong puhunan at hinihimok na kumilos o sumali agad ng di mawala ng pambihirang alok.
- Ikaw ay dapat magdeposito para sa "shipping fee" insurance, registration fee ng iyong napanalunang premyo o libreng regalo at numero lamang ang ibinigay na contact information.
- Ikaw ay hinihingan ng personal na mga impormasyon tulad ng bank account information, credit card numbers, PIN at passwords.
- Ang negosyo na nag-aalok ay walang maibigay na mga kasulatan o katibayan.
- Ikaw ay nanalo sa lotto o raffle na hindi mo sinalihan.
Mga Paraan Upang Makaiwas sa mga Panloloko ng Negosyo
- Siguraduhin na nakarehistro ang pangalan ng negosyo sa Department of Trade and Industry (DTI) o sa Securities and Exchange Commission (SEC).
- Kung ang inaalok ay isang "investment product", siguraduhing ito ay nakarehistro sa SEC.
- Laging itago ang mga katibayan tulad ng resibo, kontrata, kasunduan o "certificate" at mga dokumentong kahalintulad nito.
Sumangguni sa Pamahalaan
Para sa mga katanungan o reklamo sa Pyramid scams, Ponzi scams at iba pang mga uri ng panloloko, pumunta sa pinakamalapit na tanggapan ng DTI at SEC o tumawag sa mga sumusunod na hotline numbers:
Securities and Exchange Commission (SEC) - 584-1119Department of Trade and Industry (DTI) - 751-3330 o sa 09178343330