Yung quantity demand ay ang dami ng produkto na nabibili ng mamimili.
Ano ba ang ugnayan (relasyon) ng presyo at quantity demand (dami ng nabibili)?
Ayon sa batas ng demand, ang ugnayan ng presyo at quantity demand ay tinatawag na magkasalungat na ugnayan.
Sa Ingles ang magkasalungat na ugnayan ay tinatawag na "inverse relationship".
Ano ang ibig sabihin na magkasalungat ang ugnayan ng presyo at quantity demand?
Ibig sabihin nito na kapag mataas ang presyo ng produkto o serbisyo, bumababa ang dami ng nabibili.Sa madaling sabi: "mataas presyo = mababa ang bilang ng nabibili".
Siyempre, kapag mataas ang presyo ng produkto na bibilhin mo, abah eh mapipilitan kang maghanap ng produktong mas mura, di ba?
Bumababa ang bilang ng customer sa nasabing produktko.
Kaya, lumiliit ang bilang ng nabibili o bumibili sa nasabing produkto na may mataas na presyo.
Kaya, magkasalungat ang ugnayan ng presyo at quantity demand (dami ng nabibili o bumibili).
Meron ka bang gustong sabihin tungkol sa aralin na iyong pinag-aralan? Sabihin mo lang sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/