Layunin ng Pundasyon na makapagpalaganap ng sining ng dulaan sa bansa at makapag ambag sa kamulatan ng mga mag-aaral sa kulturang Filipino.
Ang mga mag-aaral mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay inaanyayahang tunghayan ang mga dulang Filipino upang maging matatag ang pundasyon ng bawat batang-Filipino sa pagkaunawa ng kanyang sariling kultura.
Ang pagdalo ng mga mag-aaral na mula sa pampubliko at pribadong paaralan ay dapat naaayon sa isinasaad na no-disruption-of-classes policy na halaw sa DepEd Order No. 9, s. 2005 na may pamagat na "Instituting Measures to Increase Engaged Time-on-Task and Ensuring Compliance Therewith.” Nararapat ding sang-ayon ito sa no-collection policy na isinasaad sa Section 3 ng Republic Act No. 5546, "An Act Prohibiting the Sale of Tickets and/or the Collection of Contributions for Whatever Project or Purpose from Students and Teachers of Public and Private Schools, Colleges and Universities.” (Ganzon Law)
Para sa karagdagang impormasyon, ang sinumang interesado ay maaaring makipag-ugnayan:
- https://www.affordablecebu.com/G. Joseph CristobalExecutive DirectorBarasoain Kalinangan Foundation, Inc. (BKFI)Nicanor Abelardo Theater, Gat Blas Ople, Sentro ng KabataanSining at Kultura ng Bulacan, Capitol CompoundMalolos City, BulacanMobile Phone Nos.: 0927-648-6916; 0932-870-7091Email Address: sonnyjcristobal@yahoo.comWebsite Address: www.pgca.org.ph