Nanaginip ka ba na may nakikita kang isa o maraming taong patay at silay hindi mo kilala? Ano ba ang ibig sabihin ng ganitong panaginip? Dapat ka bang matakot?
Kamatayan
Kamatayan ang pinakahuling yugto ng buhay ng tao. Misteryoso at nakakabahala kung nananaginip ka ng patay na tao.Sa ibang kultura, isang mabuting mensahe ang ipinapahiwatig kung nanaginip ka ng patay. Nangangahulugan daw ito na hahaba pa ang iyong buhay at dadami pa ang iyong ari-arian o kayamanan.
Pero pasensya na kung nababahala ka masyado sa panaginip mo at nandito ka ngayon para alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng panaginip mo.
Mahigit sampung taon na rin akong nag-aaral at nag-reresearch tungkol sa panaginip. Dahil Psychology graduate, mahilig ako sa mga misteryo, pag-iisip, at kilos ng tao.
Tinutulungan ko po ang mga tao sa pagbibigay ng kahulugan ng kanilang mga panaginip. At marami rin sa mga panaginip na ito ay personal na naranasan ko at natitiyak akong totoo ang mga sinabi ko dahil nangyari talaga sa totoong buhay ang mga kahulugang binibigay ko sa mga tao.
Balik tayo sa panaginip ng patay. Magkahalong takot at tuwa ang managinip ng patay. Takot dahil baka totoong may mamamatay. Tuwa dahil simbolikal lamang ito at may ibang ibig ipahiwatig.
Nakakalungkot at nakakatakot talaga kung makakakita ka ng patay na tao sa totoong buhay. Pero, good news, ang panaginip ng patay ay tungkol sa pagbabago.
Kahulugan ng Panaginip ng Patay na Taong Di Kilala
Ang panaginip ng patay na tao o mga taong di mo kilala ay may positibong kahulugan. Nangangahulugan itong magkakaroon ka ng maraming pera, dadami ang iyong ari-arian o kayamanan.Ang pagkamatay ng di kilalang tao sa panaginip mo ay nangangahulugan din na may bahagi ng buhay mo (halimbawa; maling paniniwala, dating ugali, maling pag-iisip o gawain) na mamamatay and kailangan mong mag "move on".
Karaniwan ang kahulugan ng panaginip ng patay na taong di kilala ay kailangan mong malaman ang tungkol sa iyong sarili. Sa Ingles, tinatawag itong "self-understanding".
Kaya, wag kang matakot o mag-alala kung nanaginip ka nang ganito. Hindi literal na mangyayari ang panaginip mo. Tandaan mo. Simbolikal o talinghaga ang isang panaginip.
Naglalaman ng mga kasagutan sa ating buhay ang mga panaginip na ito at hindi yung literal na kamatayan. Sa panaginip mo, ang pagtingin sa taong di mo kilala na namatay ay nangangahulugan na kailangan mong mag "set ng mga GOALS". Ibig sabihin nito na sa ngayon, kulang ka pa sa mga pagkakataon na magkaroon ng bago at napakagandang buhay.
Ang pagkamatay ay simbolo ng pagbabago. Ang managinip ng di kilalang tao ay nangangahulugang kinakailangan mong baguhin o di kaya'y tanggalin ang mga "bad habits" mo kagaya ng paninigarilyo o pag-inom ng alak.
Minsan, madali mo tinatapos ang ibang bagay ng iyong buhay. Halimbawa, tinatapos mo nang maaga ang iyong relasyon sa iyong nobyo, nobya o asawa at hindi mo binibigyan pa ng mahabang panahon para maayos ito. O di kaya'y sumuko ka na agad sa isang training, o pagdevelop ng iyong mga "skills", o pagpili ng trabahong may mataas na sweldo pero hindi ka naman masaya. Ang panaginip na ito ay tungkol sa mga pagbabagong kailangan mong gawin upang magiging maganda ang iyong buhay!
- END -
Meron ka pa bang ibang panaginip? Pwede niyong ipost sa comment sa ibaba. Tutulungan ka naming alamin kung ano ang kahulugan ng iyong mga panaginip. - https://www.affordablecebu.com/