- pagsasalita,
- pagsulat,
- mga larawan,
- mga simbolo:
- tulad ng pula at berde sa trapiko,
- mga galaw ng kamay o kumpas
- mga tunog
- ekspresyon ng mukha at mga mata
Noong araw, iisa lamang ang wikang ginagamit ng mga tao kaya wala silang suliranin sa pakikipagtalastasan sa bawat isa. Inisip nila noon na matayo ng tore upang huwag silang mangalat sa ibabaw ng lupa. Ang toreng binalak nilang itayo ay napakataas upang kung balakin mang gunawin ng Diyos ang mundo sa pangalawang pagkakataon ay hindi na sila aabutin ng tubig. Nakita ng Diyos ang masama nilang balak kaya ginulo nito ang kanilang wika. Sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan, ay ginawa Niyang magkakaiba ang wikang binibigkas ng bawat isa kaya sa bandang huli ay hindi na sila nagkaunawaan. Sinikap nilang ipagpatuloy ang paggawa ng tore ngunit hindi ito nangyari. Ang mga tagapag-utos ay hindi maunawaan ng inuutusasn hanggang sa ihinto na lamang nila ang paggawa ng Tore ng Babel.
Binalak pa rin ng mga taong sa kahuli-hulihang pagkakataon ay magkaunawaan ngunit walang nangyari. Ang mga tao ay naghiwa-hiwalay ayon sa wikang kanilang binibigkas. Ang tore na dapat sana ay umabot sa langit ay hindi natapos bilang babala sa lahat ng tao sa daigdig na ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat. Ang pangyayaring ito ay nag-iwan ng isang kaisipan na nagpapatunay ng kahalagahan ng pakikipagtalastasan.
Narito ang ilan sa mga kahalagahan ng pakikipagtalastasan:
1. Kung walang pakikipagtalastasan ay walang pagkakaunawaan at kung walang pagkakaunawaan ay mawawalan ng pagkakataon ang bawat isa na gumawa nang sama-sama kaya't walang mabubuong anuman.
2. Sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan ay madali tayong makatagpo ng kaibigan. Ang isang taong hindi palakibo at hindi mahilig makisalamuha sa kapwa ay kaunti ang kaibigan ngunit ang palakibo at masayahin ay maraming nagiging kaibigan.
3. Mahalaga rin ang pakikipagtalastasan sa lahat ng propesyon. Hindi maipapaliwanag ng guro ang aralin at hindi mauunawaan ang mga mag-aaral ang itinututo ng guro kung walang pakikipagtalastasan. Ginagamit rin ng mga doktor ang pananalita upang maipaalam sa ating ang ating karamdaman at kung ano ang nararapat na lunas dito. Sa pagtatanggol ng isang abogado ng isang akusado sa hukuman ay kailangan din ito. Sa loob ng tahanan ay napakahalaga ng maganda at mahusay na pakikipag-usap bawat isa mula sa ama, ina at iba pang miyembro ng pamilya. Ang hinahangaan ninyong mga artista sa TV, radyo, tanghalan at pelikula ay kailangan din ito upang maaliw ang mga tao. Ang mga tindero, drayber, kunduktor, kaminero, sapatero, mekaniko at lahat na ay kailangan ang pakikipagtalastasan.
4. Sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na makapagpalitan ng kuru-kuro o ideya, impresyon at mga impormasyon tungkol sa iba't ibang mga bagay at suliranin.
5. Higit sa lahat sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan ay naipapahayag natin sa Diyos ang ating saloobin at damdamin, ang pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng kabutihan niya sa atin at ang paghingi ng tawad sa lahat ng ating kasalanan.
Tandaan nating na ang wika na ginagamit nating sa pakikipagtalastasan ay isa sa katangi-tanging bunga ng katalinuhan ng tao kaya nararapat lamang itong gamitin sa matalino at masining na pamamaraan upang madaling magkaunawaan ang bawat isa. Makatutulong ito nang malaki sa ating paggawa, pakikipagkapwa, pakikisalamuha sa lipunan at nakapagdaragdag ng sigla at kaligayahan sa bawat sandali ng buhay.
Reference: Sining ng Pakikipagtalastasan (Zenaida S. Soriano, Ph.D)- https://www.affordablecebu.com/