Ang sagot ay depende sa kung ano ang paggagamitan ng semento o konkreto.
Ang dami ng buhangin ay magdedepende sa kung saan mo gagamitin ang semento.
Narito ang ratio ng semento sa buhangin ayon sa gamit nito:
Kung gagamitin sa paggawa ng concrete hollow blocks (CHB)
Kung gagamitin mo ang semento sa paggawa ng hollow blocks, ang nararapat na ratio o dami ng buhangin ay 7 sako sa 1 sakong semento:- 7 sakong buhangin + 1 sakong semento = para sa paggawa ng hollow blocks
- 7 timba na buhangin + 1 timba na semento
Ang ratio na ito ang nirerekomenda ng Build Change, isang construction engineering company na nanalo ng 2006 Excellence in Structural Engineering Award, upang makagawa ng matibay na hollow blocks.
Kung gagamitin sa paggawa ng concrete structure [tulad ng konkretong sahig (flooring), konkretong dingding (wall), konkretong pundasyon (foundation), etc.]
Kung gagamitin mo ang semento sa paggawa ng concrete structure, ang ratio ng buhangin sa semento ay 3 sakong buhangin sa 1 sakong semento.- 3 sakong buhangin + 1 sakong semento = para sa paggawa ng concrete structure (mortar)
- 3 timba ng buhangin + 1 timba ng semento
Nirerekomenda din ng Build Change ang ratio na ito upang makagawa ng matibay na konkreto.
Narito pa ang ilan sa mga tips na nirerekomenda ng Build Change.
Mga Dapat Tandaan sa Paghalo-halo ng Semento, Buhangin at Tubig
1. Kelangang gumamit ng malinis na buhangin (river sand or crushed sand ang nirerekomenda). Huwag gumamit ng "beach sand" o yung buhangin galing sa dagat dahil nagtataglay ito ng "asin" na makakasama sa quality ng konkreto.2. Kelangan ang tamang ratio o proportion ng paghahalo ng mga raw materials sa paggawa ng konkreto. Isa nito ay sapat na dami ng semento. Iwasan ang paglalagay ng maraming tubig dahil nakakapagpahina ito ng konkreto.
3. Hangga't maaari gumamit ng mixing board kung saan ilalagay ang raw materials. Kung walang mixing board, baka madumihan ang mixture na nakakaapekto sa tibay ng konkreto.
4.Huwag gumamit ng hollow blocks na kagagawa lang. Kelangan pang i-standby o i-cure ang mga hollow blocks sa loob ng 14 days. Huwag i-expose sa ulan ang mga hollow blocks.
5. Ingatang maigi ang pag-handle at pag-transport ng mga hollow blocks upang maiwasan ang damage nito. - https://www.affordablecebu.com/