[ New messages · Members · Forum rules · Search · RSS ]
  • Page 1 of 1
  • 1
Filipino ay wikang panlahat ilaw at lakas sa tuwid na landas
angelinaDate: Monday, 08 August 2011, 0:28 AM | Message # 1
Newbie
Group: Administrators
Messages: 15
Awards: 0
Reputation: 0
Status: Offline
"Filipino ay wikang panlahat, ilaw, at lakas sa tuwid na landas" ang tema o paksang diwa ng buwan ng wika ngayong Agosto taong 2011. Maaari po ba ninyong ilahad o ipaunawa sa amin ang kahulugan nito. Sana tulungan niyo po ako palawakin ang paksang ito. Malaking tulong po ito sa school namin. Thanks po!
 
joselito777Date: Monday, 08 August 2011, 0:45 AM | Message # 2
Newbie
Group: Members
Messages: 13
Awards: 1
Reputation: 1
Reproofs: 0%
Status: Offline
okey, isa-isahin natin yung mga parirala o phrases ng "Filipino ay wikang panlahat, ilaw, at lakas sa tuwid na landas"

"Filipino ay wikang panlahat" - sa English, ang ibig sabihin ng wikang panlahat ay "national language". Ito ay nangangahulugan na maroon tayong iisang wika na karaniwang ginagamit ng lahat ng Pinoy upang magkaintindihan magkaiba man ang katutubong wikang ginagamit.

"Ilaw" - ang wikang Filipino ay ilaw. Ang ilaw ay sumasagisag sa isang instrumento na nagbibigay-liwanag upang makita nating ng malinaw ang daan na ating tinatahak. Ang wikang Filipino ay ilaw sa paraang ito ay liwanag sa daan ng kadiliman na dulot ng di-pagkakaintindihan dahil sa pagkakaiba ng wika.

"Lakas sa tuwid na landas" - ang wikang Filipino ay lakas sa tuwid na landas dahil anuman ang pagsubok, balisa, at problema na dumating sa buhay nating mga Pilipino ay binibigyan tayo ng lakas ng ating wikang pambansa tungo sa pagkakaisa sa pagharap ng mga ito. Wikang Filipino ay lakas dahil pinagiisa at pinagbubuklod-buklod tayo nito upang sama-sama nating harapin ang mga suliranin, mga pagsubok at mga hadlang sa tuwid na landas.

Yan, malaking tulong na yata sa iyo yan.
 
  • Page 1 of 1
  • 1
Search: