Perwisyong dulot ng Taghiyawat
Kung hindi man lahat, halos karamihan sa ating mga Pilipino ay nakaranas na tubuan ng taghiyawat sa mukha.
Ang acne vulgaris o mas kilala bilang pimple ay isang medical condition na kung saan ang mga pores sa mukha ng isang tao ay nagiging inflamed o mahapdi dahil sa bacteria at sobrang oily na mukha.
Hindi man ito mapipigilan, maaari naman itong maiwasan.
Ayon sa pananaliksik, tinatayang walo sa sampung Pilipino ang nakararanas ng taghiyawat lalo na sa kanilang kabataan pagtuntong ng edad 12 hanggang 20.
Ang taghiyawat o acne vulgaris ay hindi naman malala at nakamamatay na sakit kung ikukumpara sa kanser o diabetes ngunit dapat pa rin itong pagtuunan ng pansin.
Ang acne vulgaris ay isang skin disorder na nangyayari dahil bacteria na pumapasok sa loob ng mga pores sa mukha ng isang tao.
Kapag nakapasok na ang bacteria sa iyong mukha, dito na nangyayari ang inflammation o swelling na kung saan ang parte ng iyong mukha na mayroong bacteria ay mamumula at lalaki at nagmimistulang maliit na bukol.
Totoong nakabababa ng tiwala sa sarili o confidence sa isang tao ang pagkakaroon ng maraming taghiyawat sa mukha.
Maaaring maranasan ang diskriminasyon, pangungutya, pagtawanan o gawing katuwaan ng ibang tao ang pagkakaroon ng pimples sa mukha ng taong may sensitive na balat.
Ayon sa mga dermatologist, mahirap iwasan ang pagkakaroon ng pimples sa mukha lalo na kung nasa lahi na ng isang tao ang pagkakaroon nito.
Maaari ring magkataghiyawat kung palaging expose sa matinding init at alikabok ang isang tao.
Maiiwasan ang pagkakaroon nito sa pamamagitan paghihilamos ng iyong mukha pagkatapos at bago matulog.
Sa paghihilamos ng iyong mukha, payo ng mga dermatologist ang paggamit ng maligamgam o lukewarm na tubig.
Mas mabuti kung gagamit ng mild na anti-bacterial soap upang maiwasan pagkasunog ng balat.
Gamitin lang ang mild na anti-bacterial soap para panlaban sa bacteria.
Matapos banlawan, dahan-dahan na punasan ang mukha gamit ang malinis na bimpo o tuwalya.
Maliban sa paghihilamos, iwasan ding hawakan ang iyong mukha lalo na sa parting tinubuan ng pimples dahil maaaring marumi ang iyong mga daliri at lalong lumala ang iyong pimple.
Mas maiging nakatali ang buhok at iwasan ang paggamit ng make-up.
KUng nasa labas naman ay ugaliing gumamit ng payong pang-iwas sa sikat ng araw na naka-iirita sa pimples.
Huwag kurutin o galawin ang iyong taghiyawat at mas mabuting gumamit ng cold compress o ang paglalagay ng malamig na bagay tulad ng yelo sa pimple upang lumiit at mawala ang mamula-mulang itsura nito. - https://www.affordablecebu.com/