Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Ano ang ibig sabihin ng binyag?

Ano ang ibig sabihin ng binyag?

Asked by: Guest | Views: 304
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Ang binyag o pagbibinyag ay isang relihiyosong gawain sa Kristyanismo. Ginagamit ng ilan ang termino na bautismo na galing sa wikang Griego na nangangahulugang ""ilubog"". Ito ay pinangunahan ni Jesus, kinilala ng mga Kristyano bilang ang Mesiyas (wikang Hebreo) o Kristo (sa wikang Griego), bilang ang Pinahiran ng Diyos. Siya ay inilubog ni Juan Tagapag-bautismo sa Ilog Jordan bilang simbolo ng kaniyang pagsisimula sa atas na ibinigay sa kaniya ng Diyos dito sa lupa. Nang maglaon, pagkamatay ni Jesus, sinundan ng mga Apostol ang yapak na ito sa sinumang nagnanais na maging Tagasunod ng Kristo sa pagsamba sa Ama.

Kaya ang isa na ""binyag"", ay nangangahulugang tinatanggap na niya ang atas na maging isang Kristyano ang gawin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng halimbawang ibinigay ng Kristo. Ang isa ay dapat na lubusang ilulubog sa tubig na makikita ng publiko bilang pangmadlang pagpapahayag ng kaniyang pananampalataya."