Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Ano ang epekto ng globalisasyon sa sektor ng serbisyo

Ano ang epekto ng globalisasyon sa sektor ng serbisyo

Asked by: Guest | Views: 437
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Napakaraming epekto ng globalisasyon sa kapaligiran, kultura, at paggawa ng tao. Napakalaking papel naman ang ginagampanan ng bansang Pilipinas sa globalisasyon. Ang pangunahing dahilan nito ay Pilipinas ang siyang nagsusuplay ng malaking bahagdan ng mga manggagawa sa buong mundo. Kung kaya, malaki rin ang epekto nito sa sektor ng serbisyo sa loob ng bansa.

Dahil sa pagbubukas ng maraming trabaho sa ibang mga lupain, nagiging oportunidad ito para sa mga Pilipino mula sa iba't ibang antas ng lipunan. Ang kontekstong ito ang nagluwal sa terminong OFW o overseas Filipino workers.

Nariyan ang health professionals na nagsipunta na sa Estados Unidos, Europa, at Gitnang Silangan upang sunggaban ang pagkakataong kumita ng mas malaki. Ang mga inhinyero, technicians, at construction workers ay nagsilipad na rin patungong Gitnang Silangan. Ang ating mga gurong English-speaking ay naroon sa developing countries sa Latin America at Aprika. Marami sa ating domestic workers ay nasa Singapore, Hong Kong, Europa, at Gitnang silangan. Maging IT professionals, administrative officers, mga mandaragat, mga chef, cook, hotel staff, at entertainers ay nag-abroad na rin. Kahit saan ka yata pumunta ngayon sa daigdig, may makikilala kang Pinoy.

Tinaguriang makabagong bayaning Pilipino ang mga OFW sa napakaraming dahilan. Dahil sa globalisasyon, tumaas ang foreign remittances sa bansa. Naipapalaganap din nila ang kalinangang Pilipino sa ibang bansa, habang iniuuwi nila sa atin ang kultura ng mga bansang kanilang pinupuntahan. Nagkakaroon ng palitan ng kultura at pagbabago rin ng lifestyles. Totoo ngang ang mundo ay isa nang global village.

Subalit may mga masamang epekto rin ang globalisasyon sa sektor ng serbisyo. Ang mga manggagawa na dito sana sa atin naglilingkod ay ibang bansa ang nakikinabang dahil walang gaanong oportunidad dito sa ating bansa. May mga Pilipino ring inaapi sa kanilang mga pinagtatrabahuhan. Ang ilan ay inaabuso pa, samantalang ang iba ay di na nakakauwi nang buhay. Grabe rin ang tinitiis nila dahil sa matagal na pagkawalay sa pamilya. Ang mahirap na komunikasyon ay nagdudulot ng long-term na mga problema sa mga ugnayan sa pamilya at sa pag-uugali ng bawat isa.

Narito ang ilan pang pagtingin ukol sa paksang ito:

brainly.ph/question/926472

brainly.ph/question/1778180

brainly.ph/question/805014"