Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Ano ang child protection policy?

Ano ang child protection policy?

Asked by: Guest | Views: 3228
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Child Protection Policy

Ang Child Protection Policy ay nagbibigay ng karapatan sa mga kabataan na maproteksyunan mula sa pang-aabuso o hindi pangtanggap. Layunin nito na mabigyan ng proteksyon ang mga mag-aaral sa paaralan laban sa kahit anong pang-aabuso tulad ng diskriminasyon, pambu-bully, at  iba pa. Ngunit paano nga ba ito higit na nakatulong sa pangangalaga ng karapatan at kapakanan ng mga mag-aaral?

 

Bakit ito mahalaga?

Ang pagkakaroon ng Child Protection Policy ay patunay lamang na napakahalaga nito sa bawat kabataang mag-aaral  dahil sa maraming kabutihang naidudulot nito upang mapangalagaan ang kanilang karapatan, kapakanan at kaligtasan.  (brainly.ph/question/1756736)

Narito ang ilan sa mga bunga ng pagkakaroon ng Child Protection Policy.

Nababawasan ang bilang ng mga bully at nabu-bully. May katapat na parusa sa paglabag nito na kinatatakutan ng mga bully. Kailangang ihinto na nila ang dating ginagawang panunukso, pagyayabang  at pananakot sa kanilang mapagtripan o makaaway na kaklase. Kaya ang malimit na ma-bully ay nagpapasalamat sa pagpapatupad  nito.
Makakapag-aral ng mabuti.  Siyempre kung walang nanunukso, nanggugulo o nang-aaway sa  iyo, konsentrado na sa pag-aaral. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay nakukuha kung mga positibong komento at reaksyon ang maririnig mula sa mga taong nasa paaralan. Kaya’t kung gustong makapag-aral ng mabuti, ireklamo o isumbong ang mga bully .
Mapoproteksyunan ang mga mag-aaral laban  sa pang-aabuso (brainly.ph/question/2063033). Karapatan ng mga kabataan na makapamuhay ng malaya at malayo sa anumang kapahamakan.  Ang pang-aabuso tulad ng pisikal o emosyonal na pananakit, rape o sexual abuse at iba pa ay nararananasan nila mula sa mga taong mapang-abuso. Hindi lamang sa tahanan nangyayari kundi maging sa paaralan din.  Sa pamamagitan ng polisiyang pinaiiral,  unti-unting nababawasan ang bilang ng mga naaabuso.

Mahalaga para sa mga kabataang mag-aaral ang pagtanggap ng mga taong nakapaligid sa kanila lalo na sa paaralan. Anuman ang katayuan sa pamumuhay, pisikal na kaanyuan, at uri ng pag-uugali mayroon ang isang mag-aaral, hindi ito dapat maging dahilan upang ipagkait sa kanila ang karapatang matuto at mapabilang sa kapwa nila.  Palaging nauukol sa isa ang karapatang pantao (brainly.ph/question/2126490) bata man siya o matanda.

Karapatan ng mga bata
Karapatan na miasilang, magkaroon ng pangalan at nasyonalidad.
Karapatan na magkaroon ng tahanan at pamilyang magmamahal at mag-aalaga.
Karapatan na magkaroon ng sapat na pagkain.
Karapatang makapag-aral.
Karapatan na mapayaman ang kakayahan at abilidad.
Karapatang makapaglaro at maglibang.
Karapatang mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso.
Karaptan na makapgpahayag ng sariling damdamin at pananaw."