Kaya dito, alamin nating kung ano nga ba ang kahulugan pakikipagtalastasan ayon sa isang propesor na si Zenaida Soriano (Ph. D).
Ano ang ibig sabihin ng pakikipagtalastasan?
Ayon kay Soriano,"Ang pakikipagtalastasan ay isang uri ng komunikasyon kung saan nagpapalitan ng ideya o kuro-kuro ang mga taong nagtatalakayan."
Mahalaga ito dahil malayang naipapahayag ng tao ang kanyang kaisipan o saloobin sa paksang tinatalakay.
Ang pakikipagtalastasan ang proseso o makinarya para mabuo ang inaasam na kagustuhan ng mga nagtatalakay.
Dito nabubuo ng mga nakikipagtalastasan ang mga nakatagong solusyon sa isang suliranin.
Dito rin nabubuo ang pakikipagkaibigan at pagmamahalan sa isa't isa.
Dahil rin sa pakikipagtalastasan, nabubuo ang isang pamilya, baranggay, lungsod, bansa at maging lipunan.
Kaya ka nabuo at lumabas sa mundong ito dahil sa pakikipagtalastasan ng ama at ina mo. - https://www.affordablecebu.com/