Kahulugan ng Kasabihan
Ang kasabihan ("Saying" sa Ingles) ay isang maikli, espesyal at hindi makakalimutan na pahayag (pasalita o pasulat) dahil sa kahulugan o istilo nito.
Bakit Mahalaga ang Kasabihan?
Dahil sa istilo ng kasabihan, lalong nagbibigay ito ng diin sa isang pahayag upang mapukaw ang isip at damdamin ng nagbabasa o nakikinig. Nang sa gayon ito'y madaling mabaon sa kanyang pag-iisip at hindi agad-agad makakalimutan pagkatapos niyang mabasa o marinig ito.Ngayon, gagawa tayo ng pinakamalaking koleksyon ng mga magagandang kasabihan tungkol sa gulay at prutas.
Mga Halimbawa ng Kasabihan Tungkol Sa Gulay at Prutas
- "Prutas at Gulay: Mga Pagkaing Pampahaba ng Buhay." - by khen salce
- "Kalusuga'y Pagtibayin; Gulay at Prutas Laging Kainin." - by khen salce
- "Katawa'y Iwasang Maging Sakitin; Gulay at Prutas Ugaliing Kainin." - by khen salce
- "Lakas at Tibay ng Katawan, Gulay at Prutas ang Dahilan." - by khen salce
- "Sa Gulay at Prutas: Tanim Pa More! Ihain Pa More! at Eat Pa More!" - by khen salce
- "Katawang Matamlay at Sakitin, Kakulangan ng Pagkain ng Gulay at Prutas ang Salarin." - by khen salce
- "Ugaliing kumain ng Gulay at Prutas, Nang Katawa'y maging malusog at malakas." - by khen salce
- "Kagandahan at Kakisigan ni Ganda at Lakas, Galing sa Laging Pagkain ng Gulay at Prutas." - by khen salce
- "Katawan Mo'y Mahalin! Gulay at Prutas Laging Kainin." - by khen salce
- "Gulay at Prutas sa Bakuran, Higit Pa Sa Gintong Yaman." - by khen salce
- "Malnutrisyon Labanan, Gulay at Prutas ang Kailangan!" - by khen salce
- "Sakit at Malnutrisyon, Gulay at Prutas ang Solusyon!" - by khen salce
- "Isusulat ang iyong kasabihan dito" - ang iyong pangalan
Meron ka pa bang ibang kasabihan tungkol sa gulay at prutas? I-share mo sa comment sa ibaba. Isusulat namin ito sa listahan sa itaas kasama ang iyong pangalan. - https://www.affordablecebu.com/