Home » Articles » Schools / Universities

Silawan: Pedagohikal at Inklusibong Pagtuturong Filipino

Ang Kagawaran ng Filipino-Paaralan ng Edukasyong Panggurong Sain Louis University (SLU) ay magsasagawa ng pambansang komperensiya na pinamagatang Silawan: Pedagohikal at Inklusibong Pagtuturong Filipino na may temang Kahapon, Ngayon at Bukas ng Wika, Panitikan at Midya sa Filipino: Komprehensibong Pag-uugnay ng Nakaraan sa Kasalukuyang Kalakaran Tungo sa Kinabukasan ng Edukasyon sa Pebrero 20-22, 2013 sa Gusaling Gonzaga, SLU, Baguio City.
Ang layunin ng Pambansang Komperensiya ay ang mga sumusunod:
  1. maiangat ang antas ng kalidad at kasanayan sa wika, panitikan at midya batay sa nakaraan hanggang sa kasalukuyang kalakaran patungo sa hinaharap ng edukasyon; at
  2. makabuo ng pinaunlad at makabagong estratehiya at pagtatayang kagamitang pampagtuturo batay sa nakaraan at kasalukuyang gamit.
Ang mga gurong nagtuturo ng Filipino sa elementarya, hayskul at kolehiyo mula sa iba’t ibang panig ng bansa; mga mag-aaral sa antas di gradwado at gradwado na nagpapakadalubhasa sa wika o panitikang Filipino o anumang kaugnay na larangan; mga manunulat, tagasalin, mananaliksik at iba pang iskolar sa Filipino; at mga tagapamahala at kawani ng mga ahensiyang nauugnay sa Filipino ay inaasahang dadalo sa komperensiyang ito.

Ang patakaran sa partisipasyon ng mga guro at mag-aaral na mula sa pampubliko at pribadong paaralan ay naaayon sa no-disruption-of-classes policy na nasasaad sa DepEd Order No. 9, s. 2005 na may pamagat na Instituting Measures to Increase Engaged Time-on-Task and Ensuring Compliance Therewith.

Para sa karagdagang impormasyon o anumang katanungan, maaaring tumawag o makipag-ugnayan alin man sa mga sumusunod:

Prop. Marilyn Macwes
Puno, Kagawaran ng Filipino
Mobile Phone Blg.: 0949-853-4073

Jane K. Lartec, Ph.D.
Direktor, Silawan
Mobile Phone Blg.: 0939-923-7484
Email Address: enaj2911@yahoo.com

Ephree Orara, Ph.D.
Katuwang na Direktor, Silawan Mobile Phone Blg.: 09 18-280-5030
Email Address: dainyle@yahoo.com

Gng. Helen Tangonan
School of Teacher Education
Telepono Blg.: (074) 447-0664

- https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Silawan: Pedagohikal at Inklusibong Pagtuturong Filipino" was written by Mary under the Schools / Universities category. It has been read 2501 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 09 February 2013.
Total comments : 0