Kaya marapat lamang itong pangalagaan lalo na't mahal ang presyo ng mga damit sa panahon ngayon.
Ano-ano nga ba ang mga hakbang o paraan ng pangangalaga ng ating kasuotan?
Mga Paraan ng Pangangalaga ng ating Kasuotan
- Labhan nang maayos at may pag-iingat.
- Wag gumamit ng sobrang daming bleach o chlorine sapagkat nakakasira ito ng damit.
- Pwedeng lagyan ng fabric conditioner ang damit para maging mabango at malambot ang mga damit.
- Wag ibilad sa init nang sobrang tagal lalo na ang mga maninipis na damit.
- Wag ibilad sa lugar na pwedeng nakawin ninuman ang iyong mga damit.
- Plantsahin nang maayos at may pag-iingat.
- Ihanger ang damit matapos labhan.
- Ginamit na plantsa huwag na huwag iwan nang naka-on upang maka-iwas sa sunog.
- Tiklupin nang maayos ang mga damit at ilagay sa loob ng dresser, drawer o box upang hindi maalikabukan.
- Iayos ayon sa kulay at gamit (panloob, panlabas, casual, for special occasion, regular, etc.)
Isasama namin ang iyong mga suhestiyon sa listahan sa itaas kasama ang iyong pangalan. - https://www.affordablecebu.com/