KALAKASAN AT KAHINAAN NG TAO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga kalakasan at kahinaan natin.Iba-iba ang kalakasan at kahinaan nating lahat. Isa ito sa mga bagay na nagpapatunay na tayo ay mga tao. Tayo aymay iba’t-ibang ugali, pananaw, talento, at paninindigan. Pero, isa rin ito sa mga kalakasan ng tao.
Ang ating kakayahang mag-isip ay ang ating pinakamahalagang kalakasan. Ngunit, ito rin ay maaaring maging kahinaan natin. Dahil sa kakayahan nating mag-isip, minsan nagagawa natin na apakan ang iba para lamang maka-angat tayo sa buhay. Makikita ito sa korupsiyon at krimen na nangyayari sa buong mundo.Samantala, bilang mga Pilipino, mayroon rin tayong kalakasan at kahinaan. Heto ang mga sumusunod:
KALAKASAN
Masiyahing tao ang mga Pilipino. Nakikita ito sa pagngiti at pagtawa kahit na may problema. Kahit ilang trahedya na ang dumaan, mabilis tayong maka-ahon. Malapit na buklod sa pamilya. Taglay natin ang ugnayang mainit sa magkakapamilya anupat puwedeng angkan ang buong puwersa para sa mga adhikain ng isang indibidwal.Magalang tayo sa mga nakakatanda, sa ating kultura, at tradisyonMasipag at malikhain sa Paggawa. Nagagawa pa ng mga Pilipino na i-recycle o i-repair ang mga kagamitan.
KAHINAAN
Palaumasa sa mga magulang sa panahong dapat sana ay nakabukod na siya.Manyana Habit.. Ito ay ang problema sa mga Pilipino kasama na “Filipino Time” o laging huli.Mabagal sa pag-aadjust sa makabagong henerasyon.Masyadong kumakapit sa mga ideya ng nakaraan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Tunggaliang Tao Laban Sa Sarili Kahulugan At Halimbawa
- https://www.affordablecebu.com/