Home » Articles » Schools / Universities

Ano Ang Kabutihang Panlahat? (Sagot)

Ano Ang Kabutihang Panlahat? (Sagot)



KABUTIHANG PANLAHAT – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tinatawag na kabutihang panlahat at ang mga halimbawa nito.Ang ating mga desisyon sa ating buhay ay maaaring mag dulot ng iba’t-ibang mga epekto hindi lamang sa ating sarili. Posible ring maaapektuhan ang ibang tao dahil dito.



 
Kaya naman, dapat pag-isipan natin na gumawa ng mga desisyon na hindi lamang para sa ikabubuti ng ating sarili kundi pati sa nakararami. Ito’y katulad lamang sa kasabihang “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”.



Dahil dito, masasabi natin na ang kabutihang panlahat ay ang pagpapahalagang naiiba sa ating pansariling kapakanan. Ito rin ang kabilugan ng Pamumuhay Pangkabuhayan, Panlipunan at pangkultural na nagiging daan ng tao upang kaagad nilang matamo ang kaganapan ng kanilang pagkatao.



 
Mayroon ring tatlong elemento ang Kabutihang Panlahat:

1. Paggalang sa pagkatao ng indibidwal



 
Matatamo natin ito sa pamamagitan ng paggalang at pag respeto sa dignidad at mga karapatang pantao ng sino mang indibidwal.



2. Kagalingang Panlipunan



 
Tungkulin ng Pamahalaan na bigyan ang tao. Ang halimbawa nito ay ang pagbigay ng sapat na oportunidad para sa lahat na makamit ang magandang edukasyon, trabaho, at iba pang pangangailangan.



3. Kapayapaan at Kaligtasan



Tungkulin ng mga maykapangyarihan na tiyakin ang kaligtasan at mapanatili ang kapayapaan sa lipunan.tungkulin nilang maipatupad ang batas upang maayos ang kalakaran sa lipunan.



Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.



BASAHIN RIN: Bakit Mahalaga Ang Pilosopiya Sa Ating Buhay – Halimbawa
 






  - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ano Ang Kabutihang Panlahat? (Sagot)" was written by Mary under the Schools / Universities category. It has been read 991 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 05 September 2021.
Total comments : 0