BUOD NG KUWENTO – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang buod ng kuwentong “Sino Ang Nagkaloob” at ang mga gintong aral na makikita dito.May isang hari na mayroong pitong anak na prinsesa. Ngunit ang bunso, dahil sa kanyang kakayahang magluto, ang pinaka nagigiliwan ng hari at marami. Ngunit isang araw nagtipon ang ama at tinanong ang mga bata na may mga pagpapala sa kanilang hapag.
Ang anim na anak niyang anak ay sumagot na galing ito sa hari. Pero, ang bunso lamang ang sumagot na galing ito sa Diyos. Dahil sa kanyang sagot, nagalit ang hari at siya’y pinalayas sa palasyo.Sa kanyang paglalakbay palayo sa palasyo, ay nakarating ang prinsesa sa kagubatan. Nakakita siya ng isang binata na naging matapat sa kanya. Pagkatapos nito, binenta ng prinsesa ang lahat ng kanyang mga alahas para makabili ng kabayo. Ito naman ang kanilang ginamit sa paglalakbay.
Sa kanilang paglalakbay, biglang nauhaw ang prinsesa at sinabihan nito ang lalaki na kumuha ng inumin mula sa batis. Dito, natagpuan ng lalaki ang rubi at sinundan ang dulo ng ilog.
Pero, nagulat ito dahil nakita niya ang pugot na ulo ng isang diwata at ang katawan nito sa tabi. Ngunit, biglang nabuhay ang diwata dahil sa rubi at nagpasalamat ito sa binata. Sunod naman na dumating ang isang genie na may gusto sa diwata at tinangkahang patayin ang lalaki.
Biglaan namang dumating ang prinsesa at hinanap lamang ang lamparang kulungan ng genie. Naging matagumpay ang prinsesa at muli nakulang ang genie.
Nagtayo ng kaharian ang dalawa at naghanda ng masasarap na pagkain. Pinuntahan rin ito ng hari at ninais na makitang muli ang bunso. Sa pagkakataong ito, tinaggap na niya na Diyos ang nagkaloob ng lahat.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Suliranin Sa Kwentong Liongo – Ano Ang Suliranin Ng Mga Tauhan?
- https://www.affordablecebu.com/