BANGHAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang banghay at ang iba’t-ibang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang isang banghay ay naglalarawan sa maayos at konkretong pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan ng sa isang paksa o sa isang kwento. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “outline”.
Bukod rito, ang Banghay ay may tatlong bahagi. Ito ang simula, gitna, at wakas.
Simula – dito nababanggit ang kilos, pagpapakilala sa tao, mga hadlang o suliraninGitna – naglalaman ng sunud-sunod at magkakaugnay na mga pangyayari.Wakas – nagkakaroon ng kalutasan ang problema o suliranin.
Ang isang banghay ay mayroon ring iba’t-ibang mga elemento. Ito ang mga sumusunod:
Panimulang Pangyayari – dito ipinapakita ang mga tauhan at ang mga lugar o tagpuan ng isang kuwento.Pataas na Aksyon – dito nakikita ang pagtindi ng mga pangyayari o galaw ng mga tauhan. Ito’y maaaring humantong sa sukdulan at nahahati sa dalawang bahagi – saglit na kasiglahan at tunggalian.Pababang Aksyon – sa parteng ito, natapos na ang tinatawag na “climax” at wala nang masyadong aksyon ang nagaganap. Ang mga katanungan sa unang bahagi ng kwento ay nasasagot na.Wakas at Katapusan – ang kahihinatnan ng mga tauhan ay makikita rito batay sa mga pangyayaring naganap.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Tula Para Sa Magulang Halimbawa At Kahulugan Nito
- https://www.affordablecebu.com/