Home » Articles » Schools / Universities

Ano Ang Aral Na Makukuha Sa Tula Na “An

Ano Ang Aral Na Makukuha Sa Tula Na “An

ANG GURYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang mga aral na makukuha sa tula na “Ang Guryon” ni Ildefonso Santos.



Ang Guryon



Tanggapin mo, anak, itong munting guryonna yari sa patpat at papel de Hapon;magandang laruang pula, puti, asul,na may pangalan mong sa gitna naroon.



 
Ang hiling ko lamang, bago paliparinang guryon mong ito ay pakatimbangin;ang solo’t paulo’y sukating magalingnang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.


Saka pag sumimoy ang hangin, ilabasat sa papawiri’y bayaang lumipad;datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,at baka lagutin ng hanging malakas.



 
Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaway mapapabuyong makipagdagitan;makipaglaban ka, subali’t tandaanna ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,matangay ng iba o kaya’y mapatid;kung saka-sakaling di na mapabalik,maawaing kamay nawa ang magkamit!



 
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,dagiti’t dumagit, saanman sumuot…O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!



Ang tulang ito ay isang simbolo ng ating pagkatao, pagkamakabansa, at sumasalamin sa ating buhay. Sa unang bahagi ng tula, nalaman natin na ang guryon ay may pula, puti, at asol na kulay, tulad lamang ng ating watawat. Sumisimbolo ito sa atin bilang mamamayan ng Pilipinas.



 
Sa Ikalawang saknong, makikita natin na dapat balansehin natin ang solo’t paulo’y. Ito’y maaaring sumisimbolo na dapat mayroong balanse ang ating buhay upang hindi tayo magkiling.



Pagkatapos, isa sa mga aral na makukuha natin ay dapat nating pabayaang lumipad ang guryon kung ito ay sumimoy ng hangin. Ito ay sumasalamin sa ating mga kabataan at bansa na naglalayong maging malaya.



Ngunit, sa buhay natin, mayroong mga malalakas na hangin. Ito ang mga problema at mga pagsubok na naghihintay sa atin. Kaya dapat tayo’y makipaglaban at hindi susuko.



Ang buhay nga natin ay totoong parang guryon, marupok, malikot,dagiti’t dumagit, saanman sumuot. Kaya dapat tayo’y magbigay puri sa diyos bago pa tayo tuluynag sa lupa’y sumubsob.







  - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ano Ang Aral Na Makukuha Sa Tula Na “An" was written by Mary under the Schools / Universities category. It has been read 668 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 05 September 2021.
Total comments : 0