Hindi biro ang maging guro.
Napakaraming problema at hamon ang hinaharap ng isang guro.
Narito ating basahin kung bakit nga ba hindi biro ang magturo.
Ang Magturo ay di biro
sinulat ni BERNADETTE P. MENDOZAAng buhay ay walang katapusang pag-aaral… prep, kinder, (junior at senior), anim na taon sa elementarya, apat na taon sa high school ( at ngayon ay anim na rin sa K-12 kurikulum), apat na taon sa kolehiyo para maging guro.
Pagkatanggap ng diploma, susunod ang pagre-review at ang pagsusulit sa board para magkalisensya. . (kailangan pang mag-masteral at doctoral para sa professional growth).
Pagkatapos na mapagdaanan ang lahat ng nabanggit ay handa na si ma’am/sir upang maghanap ng iskul na mapagtuturuan. At pag nakamit na niya ang appointment na may permanent status, ayos na ba ang buto-buto?
Isa-isahin natin ang ilan sa mga hamon nakinakaharap ng isang guro sa pang-araw-araw na pagpasok sa klase:
1. Ang mga estudyante ngayon ay technophiles. Kaagaw ng mga guro sa atensyon ang mga video games, smart phones, ipods at social networks.
2. Sweldo. Palasak na ekspresyon nakaramihan sa mga guro ay taga-“london”. Halos sapat lang sa pang-araw-araw na gastusin ang matitira sa sahod pagkatapos iawas ang buwis, educational loans, mga buwanang bayarin kagaya ng pabahay, kuryente at tubig. Paano pa ang mga gastos pang emergency (medical) at mga obligasyong sosyal.
3. Pagpapanatiling mabuti ng kalusugan. Mahalaga na ang isang guro ay malusog sa lahat ng aspeto: pisikal, mental, emosyonal at ispiritwal. Sa dami ng demand sa oras at atensyon ng guro mahirap na mapanatili ang ganitong estado.
4. Respeto. Mahalaga din para sa isang guro ang respeto ng mga taong nakapaligid sa kanya, at higit na mahalaga ang mapanatili ito.
5. Paghahanda at pagsusumite ng mga ulat, forms.
6. Pagbalanse ng panahon sa trabaho at sa pamilya.
7. Ang araw-araw na pag-repasong araling ituturo, paghahanda ng mga kagamitang pantulong sa pagtuturo, sa mas akmang salita, ”lesson planning”.
8. Pagganap ng mga “roles“sa mga estudyante bilang ate/kuya, magulang, adviser/ counselor,coach… at marami pang iba.
Marami pa ang maaaring idagdag sa listahan ng mga hamon sa pagtuturo subalit higit na mahalaga na pag ukulan ng pansin ang mga positibong pananaw o perspektibong pagtrato sa mga hamon na ito upang mapagaan ang pagsasakatuparan ng sinumpaang tungkulin.
Paano nga ba magiging kasiya-siya at “fulfilling” ang pagtuturo? Simple lang. Kailangan lang ng tamang “mind set”.
Naitanong mo na ba sa sarili mo kung bakit pagtuturo ang napili mong propesyon? Marahil ay hindi ang pagiging guro ang iyong pinangarap.
Maaaring ito ay kagustuhan ng iyong mga magulang. Napagpasyahan ng barkada, o maaari din naming isang tungkuling gagampanan ayon sa plano ng Panginoon.
Mapalad ang isang guro dahil na atasan siyang gampanan ang isang tungkuling humubog ng kaisipan at ihanda ang intelektwal, emosyonal, at ispiritwal na pagkataong kabataan. Hindi nga madali ang pagganap ng tungkuling ito kung ang aasahan ay ang sariling lakas at kakayahan. Subalit hindi dapat kalimutan na tayo ay may isang natatanging “role model”, ang ating Panginoon, ang Dakilang Guro.
Sa araw-araw na pagharap natin sa mga hamon ng ating propesyon, lagi nating isa isip na ang ating pinaglilingkuran ay si Lord at kasangga natin Siya sa bawat hakbang natin sapag tugon sa pinaka dakilang MISYON.
(The author is a Teacher II from Natividad High School) - https://www.affordablecebu.com/