Home » Articles » Literature

Anyong Lupa

Anyong Lupa
"Ating alamin at tuklasin kung ano ang anyong lupa at ang mga halimbawa ng anyong lupa sa Pilipinas at sa ibang bansa.Ano ang anyong lupaAng anyong lupa o yamang lupa ay isang buong heograpikal na yunit na kadalasang nakikita sa taas ng isang lokasyon o tanawin. Nakikita rin ito sa pinakamababang bahagi ng dagat sa karagatan. Maraming klaseng anyong lupa na nagkakaiba sa katangian at ang iba dito ay makikita lamang sa isang tiyak na pook. Ang Pilipinas ay isang arkipelago o group of islands na kinaroroonan ng 7,641 na anyong lupa. Hindi sikreto na ang Pilipinas ay puno ng yaman sa kagandahan ng kanyang kalikasan at karamihan sa mga anyong lupa na ito ay sikat sa turismo na binibisita ng mga dayuhan.Mga anyong lupa sa pilipinasBundok Ang bundok ay isang uri ng lupa na pataas mula sa daigdig. Nabubuo ito sa paggalaw ng tectonic plates sa kanilang mga plate boundaries. Sa paggalaw na ito, ang mga anyong lupa ay tumatama sa isa’t isa at bumubuo ng isang bundok. Maaari ring nabuo ang mga ito sa pagsabog ng mga bulkan.
Alam mo ba na hindi ang Mt. Everest ang pinakamalaking bundok sa buong mundo? Ang Mauna Kea ay ang tunay na pinakamalaking bundok na tumatayo sa 4,000 ft. mahigit sa Mt. Everest. Ngunit, madami sa masa na ito ay nasa ilalim ng dagat. Above sea level, mas kita ang taas ng Mt. Everest.Halimbawa ng bundok sa Pilipinas:Mt. Arayat – PampangaMt. Apo – DavaoTalampasIsang uri ng kapatagan na mas nakaangat sa iba. Madalas na tinatawag na tableland (o mesa). Ito ay karaniwang patas lamang na nakikita sa itaas ng isang bundok o anumang mataas na anyong lupa. Nabubuo ang isang talampas kapag ang magma ng isang bulkan ay umangat patungo na lupa. Maaari rin itong mabuo sa pamamagitan ng malakas na hangin matapos ng ilang taon at sa konti-konting pagtanggal ng lupa sa daloy ng tubig galing sa isang ilog. Halimbawa ng talampas sa Pilipinas:
Benham Rise – West Philippine SeaKalinga Apayao – KalingaBulubundukinIto ay matataas na mga bundok na nakadikit sa isa’t isa. Tulad ng bundok, ang mga bulubundukin ay nabubuo sa paggalaw ng plate tectonics sa ilalim ng lupa. Halimbawa:Diwata-ilang – MindanaoSierra Madre – Luzon
KapataganSa heograpiya, ang mga kapatagan ay patas na anyong lupa na parehong hindi tumataas o bumababa sa antas. Maraming paraan upang bumuo ang isang anyong lupang kapatagan. Maaring dahil ito sa pagtunaw ng yelo sa isang masa o sa pakontikonting buo ng ng sediments sa lupa. Halimbawa ng kapatagan sa Pilipinas:Cavite – LuzonMetro Manila – LuzonLambakAng lambak ay isang uri ng kapatagan na napapalibutan ng mga bundok. Nabubuo ito sa pag galaw ng plate tectonics sa isang tiyak na bahagi ng lupa kung saan may kapatagan. 
Halimbawa:Sierra Madre – LuzonLambak ng Trinidad – BenguetBurolTulad ng Bundok, ang burol ay isang bahagi ng lupa na nakataas mula sa daigdig. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pagkumpol ng maliliit na bahagi ng lupa o buhangin. Maaari din itong mamuo sa pamamagitan ng mga earthquake. Isa sa pinakasikat na burol sa mundo ay ang Chocolate Hills na makikita sa Bohol dito sa Pilipinas. Nakuha nito ang titulo na ‘chocolate’ o dahil kada tag-araw (summer) ang dating berde na kulay ng burol ay nagiging kayumanggi. Halimbawa:
Chocolate Hills – BoholManduyog Hill – AklanPuloAng pulo ay ang pag grupo ng maraming maliliit na anyong lupa sa isang lugar na pinapalibutan ng tubig. Isang rason kung bakit tinatawag na arkipelago ang Pilipinas ay dahil sa dami ng mga pulo na kinaroroonan nito. Nabubuo ang mga pulo dahil sa kontikonting pag hiwalay ng mga isla dahil sa paggalaw ng mga tectonic plates. Ang pag hiwalay na ito ay dahil sa pagyaog o paggalaw ng mga tectonic plates. Halimbawa ng pulo sa Pilipinas:
Sulu – PhilippinesSpratly Islands – West Philippine SeaTangwayAng tangway o peninsula sa Ingles ay isang isla na nakadikit sa mainland, ngunit malaking parte nito ay nakapalibot sa anyong tubig. Ang masa na ito ay mahaba at makitid. Kadalasan na may tubig sa tatlong panig nito. Nabubuo ito sa pagbaba ng sea level na nagpapakita ng naiilang bahagi ng lupa. Halimbawa:Bataan Peninsula – Bataan TangosAng tangos ay maraming pagkakatulad sa Tangway, ang diperensya na ito ay ang mga tangos ay mas maliit.Halimbawa:Tangos ng BolinaoTangos ng EngañoBaybayinAng mga baybayin ay ang anyong lupa na malapit sa karagatan. Isang tawag pa rito ay dalampasigan. Nabubuo ito kapag napapadala ang mga buhangin gamit ng tubig dagat patungo sa baybayin. Maraming sikat na dalampasigan dito sa Pilipinas. Halimbawa ng baybayin sa Pilipinas:Boracay – AklanEl Nido – PalawanBulkanAng bulkan ay isang butas sa crust ng mundo. Maaari itong active, dormant, o extinct. Ang isang active na bulkan ay sumasabog ng lava na nagmula sa ilalim ng lupa. Hindi lahat ng bulkan ay active, ngunit posibleng maging dormant ang isang active na bulkan. Maaari ring maging active ang isang dormant na bulkan. Masasabing extinct ang isang bulkan kung hindi ito sumabog ng 10,000 na taon o mahigit. Ang Mt.Mayon ng Albay ay isang sikat na atraksyon sa Pilipinas. Dahil ito sa “perfect cone shape”. Ang bulkan na ito ay ang pinaka-active sa bansa. Halimbawa ng bulkan sa Pilipinas:Mt. Mayon – AlbayMt. Taal – LuzonDisyertoAng mga disyerto ay bahagi ng mga tuyong lupa. Ito ay mainit at kadalasan kaunti lang ang tubig na makikita rito. Wala kang makikitang mga halaman sa anyong lupa na ito. Nagkakaroon ng mga disyerto sa proseso ng weathering  o ang pag laho ng malalaking anyong lupa sa pamamagitan ng hangin. Halimbawa:La Paz Sand Dunes – Ilocos NorteAnyong lupa sa AsyaHimalayasAng Himalayas ay ang pinakamalaki at mahabang bulubundukin sa Mundo. Makikita sa mga bahagi ng India, China, Nepal, Pakistan, at Bhutan. Ang Himalayas ay binubuo ng iba’t ibang bundok, isa na dito ang Mt.Everest. Kahanga-hanga ang munting ganda dala ng bulubundukin na ito, kadalasan na binibisita ng madaming tao. Mt. FujiIsang sikat na bulkan na makikita sa Japan. Huling sumabog noong 1707. Sumikat ito dahil sa Fuji Five Lakes, isang anyong tubig na nakapalibot sa bulkan. Umaabot sa 12,388 ft. ang bulkan na ito ay isang malaking atraksyon lalo na sa mga mahilig mag mountain climbing.Gobi Desert Ang Gobi Desert ay ang pang lima sa laki sa buong mundo at ang pinakamalaking disyerto sa Asya. Sumikat ang disyerto dahil sa mga tanging hayop na makikita lamang sa ditong bahagi ng mundo tulad ng snow leopards at bactrian camels. Mt. DamavandAng pinakamalaking bulkan sa Asya. Maaaring ito makita iilang bahagi ng Iran. Sikat ang bulkan sa mga locals dahil sa kasaysayan na nakapalibot dito. Sinasabi na sinomang makaakyat sa tuktok ng bulkan ay makakatanggap ng 1,000 Ruan.Basahin ang mga halimbawa ng Anyong Tubig dito.What’s your Reaction?+1 0+1 1+1 0+1 0+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Anyong Lupa" was written by Mary under the Literature category. It has been read 295 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 January 2023.
Total comments : 0