Alamin sa ibaba ang iba pang impormasyon para mapalawig ang iyong kaalaman kung ano ang wika at bakit ito mahalaga.Talaan ng Nilalaman
[hide]Kahalagahan ng WikaKasaysayan ng Wikang PambansaSaligang Batas ng Biak-na-Bato Antas ng Wika1. Kolokyal/pambansa 2. Kolokyalismong karaniwan 3. Kolokyalismong may talino 4. Lalawiganin/Panlalawigan 5. Balbal 6. Pampanitikan/Panitikan Katangian ng Wika o Anyo ng Wika1. Dayalekto 2. Idyolek 3. Sosyolek 4. RegisterPinagkaiba ng Diyalekto at LenggwaheHalimbawa ng Wika sa PilipinasBuwan ng WikaKahalagahan ng WikaNgayon, isipin mo kung ano ang maaaring mangyari kung ang buong mundo ay nawalan ng wika.Hindi natin maiintindihan ang isa’t isa, titigil ang pag unlad ng mga lipunan, at mawawalan tayo ng paraan na ipahayag ang ating mga sarili. Ang mundong ito ay malungkot, magulo, at nakakapanghina ng loob. Kailangan natin ang wika sa pang araw-araw nating buhay, sa pagbuo ng mga sistema na nag bibigay kaalaman sa tama o mali. Nag bibigay ang wika ng sariling pagkakakilanlan sa sinoman gumamit nito.Dahil sa wika, nagkakaroon tayo ng oportunidad na makipag talastasan sa iba, lumalalim ang ating mga kaalaman, at nagiging parte tayo sa pag-unlad ng lipunan. Kasaysayan ng Wikang PambansaBago pa tayo maging kolonisado ng kastila, mayroon na tayong sariling pamahalaan, batas, paniniwala, panitikan, sining, at wika.
Baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat. Binubuo ito ng labing-pitong (17) titik na binubuo ng tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig. Ang baybayin ay nagmula sa salitang ‘baybay’, kung pano ang bigkas nito ay ganun din ang pagsusulat. Sa panahon ng Kastila maraming pagbabago ang pinagdaanan ng ating sistema ng pagsusulat. Pinalitan sa Alpabetong Romano ang Baybayin. Binubo ang alpabetong ito ng dalawampung (20) titik: labinlimang (15) katinig at limang (5) patinig.Isinumite ng Hari ng Espanyol na tumayo ng maraming paaralan kung saan matututo ang iba’t ibang Pilipino ng wikang Kastila. Isa sa mga paaralan nato ay ang Unibersidad ni Santo Tomas Pagkatapos ng tatlong daang taon (300) nagsimula ang paghihimagsik ng mga Pilipino mula sa Espanyol. Wikang tagalog ang ginamit ng maraming akda ipinahayag nila ang kanilang pagiging makabayan, masidhing damdamin laban sa mga Kastila. Dito rin itinatag ang Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899. Saligang Batas ng Biak-na-Bato Isinumite noong 1896, inilahad sa batas na ito na ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas. Matapos naman sakupin ng Amerika ang Pilipinas, ginamit ang Ingles bilang wikang panturo at pantalastasan mula sa antas primerya hanggang sa kolehiyo. Tanging Wikang Ingles lamang ang pwedeng gamitin at pinagbabawal ang paggamit ng Wikang Bernakular sa pagturo.
Ito ay hanggang sa 1937 kung saan inilahad ni Pangulong Quezon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na ang Wikang Tagalog ay gawing wikang pambansa. Ngunit, ang paggamit ng Pilipino ay ipinatupad sa bansa noong 1987. Ayon kay Komisyoner Francisco Rodrigo, “Itong Filipino ay hindi isang bagong katha o kakathaing lenggwahe. Ito ay batay sa Pilipino. Palalawakin lamang ang saklaw ng Pilipino. Kaya nga’t ang Pilipino ay batay sa Tagalog, at ang Filipino ay batay sa Pilipino.”Antas ng WikaMay mga hati ang wika ayon sa iba’t ibang pinagmulan ng tao, nahahati ito sa mga kategorya ayon sa kaantasan nito.1. Kolokyal/pambansa Ginagamit ng mga ordinaryong tao sa kanilang pang araw-araw na pakikipagusap. Ito ay impormal, kung saan naipapaikli ang mga salita.Halimbawa: sanaron (saan naroon)Kelan (kailan)2. Kolokyalismong karaniwan Ginagamit ng mga ordinaryong tao sa pagsasalita. Ito ay impormal, kung saan inihahalo ang Wikang Filipino sa Wikang Ingles. Halimbawa:
My goodness nasaan na siya? Okay naman ako thanks nalang3. Kolokyalismong may talino Karaniwang gamit ng mga mag aaral. 4. Lalawiganin/Panlalawigan Wika na nakadepende sa lugar o pook ng mananalita.Halimbawa:CebuanoIlocano5. Balbal Maaring nabuo mula sa mga salitang kolokyal, karaniwang gamit sa kalye at sinasabing pinakamababang antas ng wika.Halimbawa:
Chibog (kain)Epal (mapapel)6. Pampanitikan/Panitikan Wika kung saan gumagamit ng malalalim na salita, karaniwang gamit ng mga manunulat at dalubwika.Halimbawa:Kapusod (kapatid) Mababaw ang luha (madaling umiyak)Katangian ng Wika o Anyo ng Wika1. Dayalekto Ito ay ang wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
Halimbawa: CebuanoIlocano2. Idyolek Ito ay natatanging paraan ng pagsasalita ng isang tao. Malalaman mo ang taong nagsasalita mula sa katangian ng kanyang pagsasalita.Halimbawa:Kris AquinoKim Atienza (Kuya Kim)3. Sosyolek Wika na nakabatay mula sa antas ng lipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, at iba pa.Halimbawa:Bella (Bola- gay lingo)“Dude it’s so hot here talaga” – conyo speak4. RegisterAng mga barayti ng paggamit ng wika. Nakadepende sa paraan ng pagsasalita, sa paggamit ng tono, paksa, at paraan ng pag-uusap. Pinagkaiba ng Diyalekto at LenggwaheAng wika o lenggwahe ay ginagamit sa pakikipagtalastasan sa kapwa tao. Ang diyalekto ay iba’t ibang wika na nagsasabi kung saan nagmula ang isang tao. Nakadepende ito sa dimensyong heograpiko.Ang diyalekto ay posibleng isang barayti ng isang lenggwahe. Halimbawa ng Wika sa PilipinasAng Pilipinas ay may humigit kumulang na 86 na wika.Ang walong pangunahing wika sa Pilipinas ay Tagalog, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, Panggasinan, at Waray.Tagalog – Metro Manila, Rizal, Las Pinas, Cavite, Tagaytay, etc. Bikol – Camarines Norte, Bicol, San Pascual, Catanduanes, etcCebuano – Cebu, Bohol, Negros Oriental, Biliran, Negros Occidental, etc. Hiligaynon – Iloilo, Guimaras, Capiz, Negros Occidental, South Cotabato, etc.Ilokano – Northern Luzon, La Union, Ilocos, Cagayan Valley, Mindoro, etc. Kapampangan – PampanggaPanggasinan – Benguet, La Union, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Tarlac, etcWaray – Eastern Visayas, Masbate, SorsogonMay iba ring mga wika sa Pilipinas gaya ng katutubong wika. Ito ay parte ng pamilya ng mga wika na maaaring natutunan ng isang tao mula sakanyang kabataan.Isang halimbawa nito ay ang Wikang Austronesyo, na makikita mula sa mga kapuluuan ng Timog-Silangang Asya tulad ng Pilipinas. Buwan ng WikaItinatatag kada Agosto, ang Buwan ng Wika ay isang pagdiriwang sa Pilipinas kung saan ipinapakita ang iba’t ibang kultura, kagandahan ng ating bansa, at mga pamana mula sa ating mga ninuno. Kada Agosto, mag susumite ng tema kung saan ito ay ang gagamitin bilang basehan ng selebrasyon. Tulad noong Buwan ng Wika 2019, ipinagdiriwan ng bansa ang Wikang Katutubo. Galing sa mga tema na ito, maaaring gumawa ang mga mamamayan ng iba’t ibang dekorasyon, mag handa ng mga palaruan, sayawan, at kantahan sa kanilang mga bayan. Sa panahon na ito, tunay na ipinapakita ng mga Pilipino ang pagmamahal sa sariling bansa. Marami ang mga barayti ng wika sa Pilipinas. Kung nais malaman ang mga teorya ng wika, punta lamang sa website na ito.Nais namin malaman ang inyong opinyon kung ano ang wika. Maaaring mag-comment lamang sa ibaba ng blog na ito.What’s your Reaction?+1 2+1 1+1 0+1 0+1 1+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/