Home » Articles » Literature

Ano ang Tekstong Impormatibo?

Ano ang Tekstong Impormatibo?
"Ang tekstong impormatibo ay kilala sa alternatibong pangalang ‘ekspositori’, nilalayon ng tekstong makapagbigay ng detalyado, makatotohanan, at tiyak na impormasyon patungkol sa isang bagay, tao, hayop, lugar, o pangyayari.Ito ang tekstong hindi nakabase sa opinyon ng may-akda o ng ibang tao, bagkus ay nakabase sa mga datos ng saliksik at siyensiya kung kaya’t hindi dapat ito makikitaan ng pagkiling o pagkagalit ng may-akda. Ang mga diksyunaryo, encyclopedia, alamanac, research, case study, at pahayagan ay iilan sa mga manipestasyon ng tekstong ito.May apat na uri ang tekstong impormatibo upang magkaroon ng baryasyon ng paglalahad ng impormasyon:
Sanhi at Bunga – Ito ang pag-uugnay ng mga pangyayari upang lubusang makita ang koneksyon ng isang pangyayari sa ikalawa. Nabibigyan nito ng diin ang relasyon ng mga kaganapan, at mas mahihinuha ng mga mambabasa ang kahalagahan ng mga maliliit na detalye na siyang isa sa mga nagtulak upang mangyari ang mga pangyayaring may malaking epekto sa isang tao o lipunan. Ang paglalahad ng isang pangyayari ang siyang sanhi na kung saan ay nagbunga ng mga pangyayaring maka-aapekto sa kasalukuyan at hinaharap. Paghahambing – Ang uri na nagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang elemento base sa kanilang pangyayari, nakalap na datos, pananaliksik, o pakikitungo. Kadalasan itong ginagamit upang bigyang diin ang kaibahan ng dalawang magkaparehong senaryo ngunit sa kaibahan ng pakikitungo ng paligid dito’y magkaiba ang kanilang kinahantungan. Pagbibigay ng Depinisyon – Sa ganitong pamamaraan naipakikita ng may-akda ang diretso sa puntong terminolohiya, depinisyon, o konsepto ng isang bagay, ideya o pag-iisip. Kadalasan itong ginagamit sa mga diskyunaryo.Paglilista ng Klasipikasyon – Ginagamit ito sa mga napakamalawak na paksa, sapagkat ang konsepto ng paglilista ay ang paghahati ng isang malawak na konsepto patungo sa maliliit na at diretsong mga punto. Nagsisimula ito sa isang general idea, na kung saan ay hihimayin ng may-akda sa pagdaan ng mga talata. Halimbawa ng tekstong impormatiboAng mga produkto ng PilipinasKalikasan ay dapat pangalagaanSanggunian:Cumawas, R. (2019). Tekstong Impormatibo. Nakuha noong Oktubre 31, 2020 sa https://www.slideshare.net/REGie3/tekstong-impormatibo-193940830.What’s your Reaction?+1 0+1 1+1 0+1 0+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ano ang Tekstong Impormatibo?" was written by Mary under the Literature category. It has been read 262 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 January 2023.
Total comments : 0