Home » Articles » Literature

Ano ang Lipunan?

Ano ang Lipunan?
"Ang lipunan ay binubuo ng mga mamamayan na may pagkakaugnay sa isa’t isa, tulad sa pagkakaisa sa mga ideya sa isang lugar. Ayon kay Emile Durkheim “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.” Nararapat lang na ang isang lipunan ay organisado, at binubuo ng mga posisyon na mapagsisilbihan ng mamamayan. Obligado naman ang mga mamamayan na tuparin lahat ng gampanin niya sa kanyang lipunan. Maaaring mabuo ng isang lipunan sa dalawa o higit pa na tao. Basahin sa iba pa kung ano ang lipunan at iba bakit importante ang pagkakaroon ng matiwasay na lipunan sa ating bansa.Talaan ng Nilalaman
 [hide]Ano ang Matiwasay na Lipunan?Elemento ng LipunanIsyu ng LipunanEpekto ng Climate Change sa LipunanAno ang Matiwasay na Lipunan?Matatawag na isang matiwasay na lipunan ang isang lipunang nakapagbibigay ng sapat na dami ng pangangailangan ng kaniyang mga mamamayan. Kaakibat nito ang tahimik at mapayapang lipunan na kung saan napakaliit ang dami ng krimen.
Ang lipunan ay matiwasay kung ang kapaligiran nito’y malinis at malayo sa mga kapahamakang kagagawan ng mga tao. Sa pagdadagdag, matatawag na matiwasay ang isang lipunan kung ang lahat ng tao ay may pantay pantay na karapatan at walang diskriminasyon sa kanilang estado sa buhay.Ang lipuna’y matiwasay rin kung walang diskriminasyong nagaganap sa mga kababaihan at kalalakihan sa lipunang kanilang kinabibilangan. Ang papel sa lipunan bilang babae o lalaki ay hindi nakabatay sa papel nito sa kapanahunan ng mga ninuno.Papel ng isang babaeng mamamayan ang maging isang mabuting ina at anak, maging isang magandang representasyon ng kababaihan, at maging isang mamayanang pipili ng mabubuti at tamang desisyon sa halip na madala sa impluwensiya ng masama.Papel naman ng isang lalaking mamamayan ang maging isang mabuting ama at anak, maging isang mabuting mamamayan, maging isang mamayanang hindi nanlalamang sa kapwa, at maging isang mamayanang hindi inuugali ang diskrimasyon sa mga kababaihan.Panghuliha’y matiwasay ang lipunan kapag may wasto at malusog ang komunikasyon ng mga namamalakad (gobyerno) sa mga miyembro ng lipunang pinamamalakaran nito (mamamayanan). Inuuna nito ang seguridad, transportasyon, pagkain, edukasyon, ekonomiya, at kalusugan ng mga mamamayan kaysa sa kanilang mga luho at kurapsyon. <img decoding=""async"" width=""1024"" height=""256"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/elemento-ng-lipunan-1024x256.jpg"" alt=""elemento-ng-lipunan"" class=""wp-image-3166"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/elemento-ng-lipunan-1024x256.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/elemento-ng-lipunan-300x75.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/elemento-ng-lipunan-768x192.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/elemento-ng-lipunan.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Ano ang Lipunan? - Gabay.ph"">Elemento ng Lipunan1. Tao/Mamamayan — Ang mga naninirahan sa isang permanenteng teritoryo o lupain na sinasakupan ng isang lipunan. Ang mga mamayanan ang pinakamahalagang element ng isang lipunan sapagkat sila ang rason kung bakit may interaksyon at nakatatag na sistema ang isang lipunan sa kanilang kapaligiran.
2. Territoryo — Ang territory ang kantidad ng lupain sinasakupan ng isang lupain o pamamalakad. Dito makikita ang mga yamang lupa, tubig, kalikasan, at ang impastraktura ng mga taong naninirahan rito.3. Pamahalaan — Pamahalaan ang sangay ng mga mamamayang dalubhasa sa pagpapatakbo ng lipunan upang ito ay maging matiwasay at mapayapa para sa lahat. Ito ang gumagawa ng mga batas na dapat sundin ng mga kinasasakupan nito, at ang gumagawa ng mga paraan upang masolusyunan ang problema sa edukasyon, transportasyon, kalusugan, ekonomiya, at trahedya.4. Soberanya — Ito ang pinakamataas na kapangyarihang makakamit ng isang lipunan: ang kalayaang gumawa ng mga batas, pamamalakad, at sistema na walang sinusunod na utos sa ibang lipunang nakapalibot dito. Ito ang lubos na karapatan ng mga mambabatas na isulong ang kanilang sariling pamamalakad na ligtas sa utos at panghihimasok ng dayuhang ahensiya o partido.<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""256"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/isyu-ng-lipunan-1024x256.jpg"" alt=""isyu-ng-lipunan"" class=""wp-image-3164"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/isyu-ng-lipunan-1024x256.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/isyu-ng-lipunan-300x75.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/isyu-ng-lipunan-768x192.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/isyu-ng-lipunan.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Ano ang Lipunan? - Gabay.ph"">Isyu ng LipunanNapakalawak ng sinasaklaw ng isang lipunan, ngunit kung iisiping mabuti, ang kahulugan ng lipunan ay kumpol o pangkat ng mga taong nabiyayaan ng kakayahang bumuo ng isang komunidad na hindi tumatangi ng kultura at kaugalian. Bagkus, nakapagbibigay ito ng katiwasayan at koneksyon sa iba’t ibang kultura at tradisyon.Sapagkat paiba-iba ang kultura at bahagi ng territoryong kinabibilangan ng mga tao, hindi maiiwasan ang mga isyung nanggagaling dito:1. Pagsasapin-sapin sa Lipunan — Ito ay ang pagtatangi ng mga tao ukol sa kanilang estado sa buhay, sa pinag-aralan, sa kapangyarihan, at pati sa konseksyon sa politika. Nagdudulot ito nang madayang transaksyon at poot sa mga nabiktima at nakalagay sa mas maliit na antas ng pamumuhay.
2. Isyung Ekonomiko — Ang pinakamalaking problema ng ekonomiya ay ang hindi pagbibigay ng trabaho sa mga mamamayang nabibilangan nito. Kadalasang rason nito ay ang kinabibilangan, kinaroroonan, kasarian, at edukasyong natamo. Pinakanaaapektuhan nito ay ang mga etnikong grupo.3. Isyung Pangkapitbahayan — Saklaw nito ang mga isyung nangyayari sa mga komunidad, kagaya ng mga mataas na dropout rate sa hayskul at maliliit na tyansang makapag-aral sa kolehiyo.  4. Kalusugang Pampubliko — Ang pangit na pagkakaayos ng mga programang pangkalusugan ay isang problema nakaugat sa pamahalaan. Ito ri’y nasusubok sa mga dumarating na epidemya o pandemya.5. Diskriminasyon sa Edad — Ang edad ng mga mamamayan ay isang rason kung bakit nakokompromiso ang mga oportunidad na dumadating.6. Hindi Pagkapantay-pantay sa Lipunan — Higit na mas nabibigyan ng tyansang maging matagumpay ang isang mamamayan kung ito’y mayaman, may magandang edukasyon, at walang kapansanan.
7. Edukasyon — Hindi nabibigyan ang lahat ng tyansang makapag-aral kahit na ito’y isang karapatan.8. Problemang Pantrabaho — Napakaraming tao ang nakakapagtrabaho sa trabahong hindi nila napag-aralan.9. Aborsyon — Ito ang pagtigil ng pagbuo ng embryo sa tiyan ng kanyang ina. Napakontrobersyal nito’t nasusubok ang moral ng mga tao, pati na ang pamahalaan at relihiyon. Epekto ng Climate Change sa LipunanNakapagdudulot ng masamang epekto ang paibang-ibang klima sa lipunan. Ang mga halimbawa nito’y pag-init ng sobra (El Nino), pagbuhos ng malalakas na ulan o bagyo (La Nina), pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat at ilog, at pagkasira ng pananim.Dahil dito’y nahihilig nito paibaba ang ekonomiya, agrikultura, kalusugan, at edukasyon ng mga mamamayanang nabibilang sa isang lipunan.
Nakapagdudulot din ito ng pag-utang sa World Bank at iba pang internasyonal na lending companies.What’s your Reaction?+1 1+1 1+1 0+1 0+1 1+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ano ang Lipunan?" was written by Mary under the Literature category. It has been read 297 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 January 2023.
Total comments : 0