Talaan ng Nilalaman
[hide]5 Tema ng HeograpiyaBakit Mahalagang Pag-Aralan ang Heograpiya?Heograpiya ng AsyaHeograpiya ng PilipinasHeograpiya ng DaigdigHeograpiya ng MesopotamiaHeograpiya ng GreeceHeograpiya ng AfricaKonklusyon<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""256"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/Custom-dimensions-1200x300-px-1024x256.jpeg"" alt=""limang tema ng heograpiya"" class=""wp-image-3141"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/Custom-dimensions-1200x300-px-1024x256.jpeg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/Custom-dimensions-1200x300-px-300x75.jpeg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/Custom-dimensions-1200x300-px-768x192.jpeg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/Custom-dimensions-1200x300-px.jpeg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Ano ang Heograpiya? - Gabay.ph"">5 Tema ng Heograpiya1. Lokasyon – Tinutukoy ng lokasyon ang permanenteng pagkalalagay at kinaroroonan ng iba’t-ibang lugar sa daigidig. Mayroon itong dalawang paraan sa pagtukoy: ang lokasyong absolute (gamit ang latitude at longhitude) at ang relatibong lokasyon (mga lugar malapit nito).2. Lugar – Tinutukoy ng lugar ang mga katangiang makikita lamang sa pook kung saan ito nabibilang. Matutukoy ito sa pamamagitan ng: kinaroroonan (klima, anyong lupa at anyong tubig, likas na yaman) at mga mamayanan (wika, relihiyon, dami ng tao, kultura, sistema ng politika).3. Rehiyon – Isang bahagi ng lupa na magkasasama ang mga mamayanang magkapapareho ng pisikal na anyo at kultural na paniniwala.4. Interaksyon ng tao sa kapaligiran – Ang koneksyon ng mga mamamayanan sa pisikal na kaanyuan ng kanilang pook o kinaroroonan.5. Paggalaw – Tinutukoy ng paggalaw ang paglipat ng mga mamamayan sa kanilang mga kinagisnan patungo sa panibagong lugar. Mailalagay rin sa paggalaw ang paglilipat lipat ng mga likas na pangyayari (hangin at ulan). Bakit Mahalagang Pag-Aralan ang Heograpiya?Mahalagang pag-aralan ang heograpiya sapagkat ito ay maisasangkot sa pamumuhay ng mga tao, pati na sa pamamalakad ng politika, pagpapalaganap ng matagumpay na ekonomiya, at pagpapabuti ng sistema ng lipunan.
Ang mundo ri’y may paiba-ibang pisikal na katangian na direktang makaaapekto sa pamumuhay at pamamalakad ng mga naninirahan sa lugar o pook.Matututunan din sa pag-aaral ng heograpiya ang iba’t-ibang uri ng likas na yaman ng isang lugar nang sa gayon ay magamit ng wasto at makonserba nang maayos. Ating talakakyin ang mga kilalang halimbawa ng heograpiya sa iba’t ibang panig ng mundo.<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""256"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/Custom-dimensions-1200x300-px-1-1024x256.jpeg"" alt=""heograpiya ng asya"" class=""wp-image-3143"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/Custom-dimensions-1200x300-px-1-1024x256.jpeg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/Custom-dimensions-1200x300-px-1-300x75.jpeg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/Custom-dimensions-1200x300-px-1-768x192.jpeg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/Custom-dimensions-1200x300-px-1.jpeg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Ano ang Heograpiya? - Gabay.ph"">Heograpiya ng AsyaPinakamalaking kontinente sa buong mundo.Sa kontinenteng Asya matatagpuan ang matanyag na bulubunduking Himalayas at ang pinakamalaking bundok sa buong mundo, ang Bundok Everest.Maraming bansa sa Asya ang hindi napapalibutan ng tubig o hinahangganan ng anyong tubig. Halimbawa sa mga ito ang Laos, Mongolia, at Nepal. Heograpiya ng PilipinasIsang arkipelagong sumasaklaw ng humigi’t kumulang pitong libo, anim na daan, apatnapu’t isang (7,641) pulo. Ang kapulua’y nahahati sa tatlong pangunahing pangkat: ang Luzon, Visayas, at Mindanao.Ang pinakamataas na lugar (yamang lupa) ng Pilipinas ay ang Bundok Apo na matatagpuan sa Davao. Heograpiya ng DaigdigMatatagpuan ito sa Solar System, ikatlo saw along planeta mula sa araw, at may natural na satellite, ang buwan.Ang Pacific Ocean ang pinakamalaking karagatan at yamang tubig sa buong daigdig.May pitong kontinente ang daigdig: Asya, Africa, North America, South America, Antartica, Europe, at Australia.Heograpiya ng MesopotamiaAng lupa ng Mesopotamia ay napakataba kaya’t tinawag itong “Fertile Cresent”.Mas kilala ang Mesopotamia sa mga modernong pangalan ng mga bansa na pumapalibot nito: Iraq, Kuwait, Turkey, at Syria.Matatagpuan ang Mesopotamia sa kanlurang Asya. Heograpiya ng GreeceSa anim na libong isla ng Gresya, dalawang daan at pitompu’t pito lamang ang pwede tirhan rito.Ang pinakamataas na bundok ng Gresya ay ang Mount Olympus, na may taas na dalawang libo, siyam na daan at labing siyam (2,919) na metro.Pinakamalaking isla ng Gresya ang islang Crete. Heograpiya ng AfricaAng Sahara Desert na matatagpuan sa Africa ay ang pinakamalaking hot desert sa buong mundo.Ang Savanah ang pinakamalaking anyong lupa na makikita sa Africa.Dahil ito’y malapit sa equator, ito ay pinakamainit at pinakamaulan sa buong mundo.Pinakahuling nahati-hati ng mga Kanluran ang kontinenteng Africa dahil sa heograpiya nito. KonklusyonNawa’y nasagot namin kung ano ang heograpiya. Kung may katanungan ay maaari mong i-komento sa ibaba.What’s your Reaction?+1 0+1 0+1 0+1 0+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/