[hide]Ano ang Kahalagahan ng Ekonomiks?Konsepto ng EkonomiksDalawang Sangay ng EkonomiksAno ang Ekonomiya?Ekonomiya ng PilipinasAno ang Kahalagahan ng Ekonomiks?Malimit na tinatanong ang kung ano ang kahulugan ng ekonomiks sapagkat ito’y napakamalawak na paksa na kadalasa’y ang mga dalubhasa lamang ang nakakaalam sa kadahilanang ito’y mahirap unawain. Ang kahulugan ng ekonomiks ay ang pag-aaral ng pagtugon sa walang hangganang pangangailangan ng mga tao sa pamamagitan ng paggamit ng limitadong pinagkukunan. Malaki ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sapagkat dahil dito’y malalaman ng mga indibidwal ang tama at wastong aksyon upang matamasa natin ang pinakamainam na ekonomiya sa isang lipunan o bansa. Sa pagdadagdag, ang mga hindi maipaliwanag na mga karanasan sa pangkabuhayan, pampulitika, at pangsikolohiyang asal at kilos sa mga mamamayan patungkol sa ekonomiya ng lipunang kanilang kinabibilangan.
<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""256"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/konsepto-ng-ekonomiks-1024x256.jpg"" alt=""konsepto ng ekonomiks"" class=""wp-image-3171"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/konsepto-ng-ekonomiks-1024x256.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/konsepto-ng-ekonomiks-300x75.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/konsepto-ng-ekonomiks-768x192.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/konsepto-ng-ekonomiks.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Ano ang Ekonomiks? - Gabay.ph"">Konsepto ng Ekonomiks1. Scarcity – Ibig sabihi’y kakulangan ng mga pangangailan ng isang tao. Sapagkat lahat ng tao’y may walang katapusang pangangailangan habang ang ating pinagkukunan ay limitado, ang konsepto ng scarcity ay ang pagpapainam ng distribusyon ng mga pangangailangan sa mga tao upang masiguradong hindi mauubos ang pinagkukunan at makapagtira pa para sa mga susunod na henerasyon. Mga halimbawa nito’y kakulangan sa tubig, kuryente, at pagkain.2. Opportunity Cost – Ang opportunity cost ay isang terminolohiyang ginagamit upang mapangalan ang gastos o ang resulta ng pagkuha ng isang oportunidad na may kasamang benepisyo. Halimbawa nito’y sa pagpili ng kung anong bibilhin mo sa iyong limitadong pera: kung gadget o medisina. Kung ang napili ay gadget, ang opportunity cost nito’y ang kalusugan at ang pagkaibsan ng sakit sa katawan. 3. Supply and Demand – Tinutukoy nito ang relasyon ng mga nangangailangan at ng produktong tinatamasa ng mga ito. Sa konseptong ito masasagot kung bakit paiba-iba ang mga presyo ng bilihin sa palengke o tindahan. Kung ang demand ay tumataas, bumababa ang supply at nagreresulta ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin (shortage). Kabaliktaran naman pag ang supply ang tumataas, sapagkat sumusobra ang supply at lumiliit ang presyo nito (surplus). 4. Incentives – Ito ay ang konsepto ng pagbibigay ng reward o gantimpala aparte sa buwanang sweldo upang pagbutihin ng isang empleyado o mangangalakal ang kanyang trabaho. Binibigay ito ng mga kumpanya o organisyasyon upang tumaas ang productivity at efficiency rate.5. Purchasing power – Ang konsepto ng kakayahang bumili ng mga konsumer sa mga prdoukting ninanais gamit ang sariling pera. Ibig sabihin, kung ang isang konsumer ay may mataas na purchasing power, may kapabilidad itong bumili ng maraming produkto. Dalawang Sangay ng EkonomiksMay dalawang sangay ang Ekonomiks: ang makroekonomiks at maykroekonomiks.
Ang makroekonomiks ay ang pagtingin sa ekonomiya sa kabuuan o pangkalahatang perspektibo. Sa pananaw na ito makikita ang mga datos ng isang ekonomiya sa malawakang dimensyon.Ang maykroekonomiks naman ang tumutukoy sa sangay ng ekonomiks na tumitingin sa maliliit na bahagi ng ekonomiya. Inanalisa nito nang may maigi ang maliliit na parte ng ekonomiya upang lubos na maintindihan. Halimbawa ng makroekonomiks ay ang pag-aaral ng kilos ng mga konsumer sa pag-iiba ng presyo o nang kalidad ng isang produkto. <img decoding=""async"" width=""1024"" height=""683"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/ano-ang-ekonomiya-1024x683.jpg"" alt=""ano-ang-ekonomiya"" class=""wp-image-3169"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/ano-ang-ekonomiya-1024x683.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/ano-ang-ekonomiya-300x200.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/ano-ang-ekonomiya-768x512.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/ano-ang-ekonomiya-450x300.jpg 450w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/ano-ang-ekonomiya-600x400.jpg 600w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/ano-ang-ekonomiya.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Ano ang Ekonomiks? - Gabay.ph"">Ano ang Ekonomiya?Ang ekonomiya ay ang pangkalahatang sistemang ekonomiko ng isang lipunan o bansa. Ito ay sumasaklaw sa mekanismo ng trabaho, puhunan sa negosyo, lupang gagamitin, manupaktura, produksyon at pangangalakal, konsumpsyon ng mga produkto at distribusyon nito. Tradisyunal na ekonomiya – Ito ay patungkol sa mga hanapbuhay na nakapagbibigay ng produktong kakailanganin ng lahat upang mabuhay—halimbawa nito’y pangingisda at pagtatanim ng mga prutas, gulay, bulak, at kahoy. Sa mga hanapbuhay na ito hindi gaanong strikto o inireregula ng gobyerno ang lisensya upang mag hanapbuhay.Lipunang pang-ekonomiya – Ito ay patungkol sa ikatlong sektor ng lipunan na ibig sabihi’y ang ekonomiya ay nasa pagitan ng pribado at pampublikong sektor. Nakapaloob dito ang kooperatiba, nonprofit na mga organisasyon, negosyong para sa lipunan at mga kawanggawa o charities/foundation. Sa madaling salita’y mas nakapokus ang mga ito sa pangkabuhayan ng mga tumatangkilik nito at hindi ang kumita.Isyung pang ekonomiya – Kabilang sa mga isyung suliranin ng ekonomiya ang agrikultura, trabaho at ang sahod (minimum wage), kontraktuwalisasyon (hindi permanenteng trabaho), OFWs, usaping pangkapaligiran, industriyalisasyon, foreign trade, at globalisasyon. Ang mga nabanggit ay ang ang mga pinakamalaking dagok sa ekonomiya, kung kaya’t napakaraming pag-aaral ang iginagawas sa mga isyung patungkol dito.
<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""256"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/ekonomiya-ng-pilipinas-1024x256.jpg"" alt=""ekonomiya-ng-pilipinas"" class=""wp-image-3170"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/ekonomiya-ng-pilipinas-1024x256.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/ekonomiya-ng-pilipinas-300x75.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/ekonomiya-ng-pilipinas-768x192.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/08/ekonomiya-ng-pilipinas.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Ano ang Ekonomiks? - Gabay.ph"">Ekonomiya ng PilipinasAng Pilipinas ay isang developing country na matatagpuan sa Timog Silangang Asya na nakalagay sa kategoryang lower middle income. Ang Pilipinas ay ika-130 sa buong mundo sa kategoryang GDP, at mas may mababa sa mga bansang Singapore, Malaysia, Thailand at Indonesia. Ika-138 naman sa buong mundo ang Pilipinas sa mga bansang pinakamadaling simulan ng negosyo. Ikaw-105 naman ang Pilipinas sa Corruption Perceptions Index na siyang rason kung bakit mas mahirap umunlad sa bansa—tinatangay ng mga opisyal ang pera sa kaban ng bayan. Ayon pa sa mga pag-aaral, ang malaking diperensiya ng mga sahod ng mga mayayaman at mahihirap ay napakalaganap sa Pilipinas, kung kaya’t mahirap umunlad para sa mahihirap at madaling mas yumaman para sa mga mayayaman. Ang mga negosyong umuunlad ng sobra sa Pilipinas ay ang mga negosyong patungkol sa telekomunikasyon, BPO, real estate, at pagluluwas ng semikonduktor. Dahil ang mga negosyong ito ay maunlad at hindi ito nangangailangan ng maraming empleyado, marami sa mga Pilipino ang nananatiling mahirap at walang trabaho.
Ang mga negosyong nakapagbibigay naman ng maraming empleyado (agrikultura, manupaktura, at industriya) ay hindi masyadong umuunlad sa Pilipinas.What’s your Reaction?+1 1+1 0+1 0+1 1+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/