Home » Articles » Literature

Alamat ng Pamaypay

Alamat ng Pamaypay
"Basahin ang halimbawa ng maikling kwento na ‘Alamat ng Pamaypay‘ sa ibaba. Basahin ang mga aral ng alamat na ito.Talaan ng NilalamanAlamat ng PamaypayBuod ng AlamatAral ng AlamatAlamat ng PamaypayNoong unang panahon, may mag asawa ng biniyayaan ng malulusog na kambal nanagngangalang Pay at May. Habang lumalaki ang kambal ay lagi silang nag aaway atnagkakaroon na ng problema ang kanilangmga magulang dahil sa kanila. Isang araw, ay dumating ang tag init sakanilang lugar kung saan sobrang init.Naging tagtuyot na ito. Halos lahat ng tao sa lugar ay nagdadasal na humangin at umulan. Sinabi ng Bathala na magkakaroon lang ng hangin sa lugar kapag nagkasundo ang mga tao lalo na ang kambal. Ngunit ang kambal ay nag aaway parin dahil inggit sila sa isa’t isa at makasarili.Ito ang pinakaayaw ng Bathala. Sabi ng Bathala sa kanila: “Kapag hindi pa kayo tumigil sa away niyo ay paparusahan ko kayo hanggang sa dumating ang inyong kamatayan, hindi dahil sa init ay dahil sa inyong kasalanan.”

Ngunit hindi naniwala ang kambal at patuloy parin silang nag aaway. Gabi na nang matapos ang kanilang pag-aaway. Kinaumagahan ay dumating ang kanilang unang parusa.Ikinulong sila sa kulungan sa isang kagubatan na kung saan hindi nil anakikita ang kanilang mga magulang. “Gulat na gulat ang dalawa at nagtaka kung bakit nakakulong sila. Iyak nang iyak dahil hindi nila nakikita ang kanilang mga magulang ngunit nag aaway parin ang dalawa at nagsisisihan habang alalang-alala ang kanilang mgamagulang sa kakahanap sa kanila.Walang magawa ang kambal. Dumating ang Bathala at sinabing: “Kung matagal na sana kayong hindi nagaaway at nagmamahalan hindi sana nangyari ito sa inyo ngayon. Kung gusto niyong makabalik sa dati at makita ulit ang inyong mga magulang ay magbati na kayo. Hindi ba kayo natatakot na baka anong mangyari dahil sa napakainit ng panahon ngayon?”Napagisip isip ng kambal ang mga sinabi ng Bathala. Bibigyan ko kayo ng isa pang pagkakataon na makabalik at makita angiyong mga magulang, tutulungan ko kayo, mag isip kayo o gumawa ng bagay naipanglalaban sa init.”Kumuha ang kambal ng kawayan na matatagpuan sa tabi ng kulungan. Pinaghati hati nila ito ng pahaba at ginawang maninipis. Pagkatapos ay pinagdugtong-dugtong nila ito at sinamahan ng mga dahon.Tinawag nila itong Pamaypay na nagmulasa kanilang pangalan na Pay at May. Doon nagsimula ang pagmamahalan, pagkakaisa, pagbabati ng mga tao sa lugar lalo na ngkambal at noon ay nagkabati na sila at wala ng anumang parusa sa kanilang buhay. Mag mulanoon ay meron na silang panlaban sa init na tinatawag na Pamaypay.

Buod ng Alamat ng PamaypayNoong unang panahon, sa isang bayan, ay nakatira ang kambal na si Pay at May. Salungat sa inaasahan, palaging magkagalit at nag-aaway ang kambal dahilan upang mamroblema ang kanilang mga magulang. Nagimbal si Bathala sa away kambal at sa kasamaan ng bayan kaya pinarusahan niya ang bayan ng mainit na panahon. Sinabi nitong ibabalik lamang ang hangin kung magkababati na ang magkapatid.Hindi nakinig si Pat at May at nag-aaway pa rin. Mas lalong nagalit si Bathala na nagpasyang parusahan ang kambal sa pamamagitan ng pagkulong sa kanila sa kagubatan. Nag-away na naman ang dalawa at nagsisihan. ‘Di kalaunay nalungkot nang sobra ang kambal sa pangungulila sa magulang. Binigyan sila ng huling pagkakataon ni Bathala upang magbati sa pamamagitan ng pagbuo ng solusyon sa init. Bumuo sila ng isang bagay at tinawag itong ‘pamaypay’, na hango sa kanilang mga pangalan. Nakauwi ang kambal sa pamilya nila at simula noon ay hindi na nag-away pa.Aral ng Alamat ng PamaypayIwasan ang dahas at pag-aaway sa lahat ng oras. May ibang paraan pa upang masolusyonan ang mga bagay bagay.May aral ka bang natututunan? Ikomento mo ito sa ibaba.Basahin ang iba pang mga alamat dito.

What’s your Reaction?+1 0+1 1+1 0+1 0+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Alamat ng Pamaypay" was written by Mary under the Literature category. It has been read 221 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 January 2023.
Total comments : 0