Home » Articles » Literature

Alamat ng Palendag

Alamat ng Palendag
"Basahin ang halimbawa ng maikling kwento na ‘Alamat ng Palendag‘ sa ibaba. Basahin din ang aral ng alamat na ito sa ibaba.Talaan ng NilalamanAlamat ng PalendagBuod ng AlamatAral ng AlamatAlamat ng PalendagSalin ni Elvira B. Estravo sa “The Legend of Palendag”Ang palendag ay isang instrumentong pang-musika ng mga Magindanao. Ito’y galing sa salitang Magindanaw na lendag, na nangangahulugang paghikbi. Gawa ito sa isang uri ng kawayang tinatawag na bakayawan ang mga katutubo. Ito’y may habang dalawa hanggang tatlong talampakan, may tigdadalawang butas sa magkabilang gilid na isang pulgada ang pagitan. Tinutugtog ito na gaya ng plauta.Karaniwang tinutugtog ito ng isang nabigong mangingibig upang aliwin ang sarili. Nabibigyang-kahulugan ng isang mahusay na tumugtog sa palendag ang iba’t ibang damdamin at nakalilikha ng isang maganda at makaantig-damdaming musika.
Ayon sa alamat, may isang binatang umibig sa pinakamagandang dalaga sa pook. Nagkakaisa ang kanilang damdamin, ngunit dahil sa ipinagbabawal ng tradisyong Magindanaw ang pagliligawan, ang kanilang pagmamahalan ay nanatiling lihim. Lihim man ang pag-iibigan, waring walang hanggan ito.Isang araw, tinawag ng datu ang binata. Bilang isang kawal ng sultan, binigyan siya ng misyon sa isang malayong lugar. Sa pamamagitan ng isang kaibigan, nagkita ang dalawa bago makaalis ang binata. Nalungkot ang dalaga sa nalamang misyon ng lalaki. Inaliw siyang aalalahanin at uuwi agad pagkatapos ng misyon. Ipinangako rin niyang susulat nang madalas.Sa unang ilang linggo, panay ang dating ng sulat na punung-puno ng pagmamahal at pag-aalaala. Pagkatapos ng ilang buwan, dumalang ang dating ng sulat hanggang sa ito’y tuluyang nawala.Isang araw, nabalitaan niya sa isang pinsan ang nakalulungkot na balitang ang binata ay ikinasal sa ibang babae, sa lugar ng kanyang misyon.Lubhang nasaktan ang dalagang manghahabi. Upang maitago ang kalungkutan sa mga magulang, maraming oras ang ginugugol niya sa kanyang habihan. Parati siyang umiiyak nang tahimik. Ang kanyang luha’y laging pumapatak sa kapirasong kawayang ginagamit sa paghabi. Nagkabutas ang kawayan dahil sa laging pagpatak dito ng luha ng dalaga.Isang araw, sa di sinasadyang pagkakataon, nahipan niya ito at lumabas ang isang matamis at malungkot na tunog. Mula noon, inaliw niya ang sarili sa pagtugtog ng palendag, ang pangalang ibinigay sa kakaibang instrumentong pangmusika.
Buod ng Alamat ng PalendagMay isang magkasintahan sa bayan ng Maguindanao noon. Dahil bawal ang panliligaw ay isinikreto ng dalawa ang kanilang pag-iibigan. Isang araw ay nautusan ang lalaki na maglakbay ng malayo para sa isang misyon, kung kaya’t lubusan na nalungkot ang magandang babaeng maghahabi. Nangako sila sa isa’t isa na susulat ngunit kalaunay wala nang dumarating na sulat mula sa lalaki.Nagimbal ang mundo ng babae nang malaman nitong ikinasal ang lalaki sa bayan na nakapaloob ang misyon. Labis na nasaktan ang maghahabi at tila ba’y walang tapos ang pagtulo ng luha. Dahil dito, nagkaroon ng mga butas ang kawayan habang naghahabi at nang aksidenteng nahipan ito ng babae ay nagkaroon ng malungkot na tunog. Tinawag itong Palendag, na ibig sabihin ay ‘paghikbi’.Aral ng Alamat ng PalendagMagandang magmahal ngunit dapat ay maglagay ng puwang para sa pagmamahal sa iyong sarili.Basahin ang iba pang mga alamat dito.What’s your Reaction?+1 0+1 1+1 0+1 1+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Alamat ng Palendag" was written by Mary under the Literature category. It has been read 222 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 January 2023.
Total comments : 0