Home » Articles » Literature

Alamat ng Mina ng Ginto (Alamat ng Baguio)

Alamat ng Mina ng Ginto (Alamat ng Baguio)
"Basahin ang halimbawa ng maikling kwento na ‘Alamat ng Mangga‘ sa ibaba. Mayroon din kaming ginawang larawan para sa halimbawa ng alamat na ito.Talaan ng NilalamanAlamat ng Mina ng GintoBuod ng AlamatAral ng AlamatAlamat ng Mina ng GintoNoong unang panahon, may isang lugar sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk.Naninirahan dito ang mga igorot at isa na dito si Kunto.Bata pa lamang si Kunto ay nakitaan na ng kakaibang lakas at tapang. Kaya”t ito ay napiling tagapamuno ng Suyuk.

Ang mga naninirahan sa Suyuk ay namumuhay ng tahimik at taon-taon ay nagdaraos ng cañao bilang pasasalamat sa mga anito.Kung magdaos sila ng cañao ay nagpapatay sila ng baboy at iniaalay sa bathala.Isang araw ay nagpunta si Kunto sa kagubatan upang mamana. Di pa sya nakakalayo ay may nakita siyang isang uwak at nakatayo ito mismo sa patutunguhan nya.Lumakad si Kunto papalapit sa ibon ngunit ito ay hindi gumagalaw.Nang malapit na si Kunto ay bigla syang napatigil sapagkat ito ay tumango sa kanya ng tatlong beses.Bagamat matapang ay nakaramdam din si Kunto ng takot. Hindi na tumuloy si Kunto sa pamamana at isinangguni na lang nito sa mga nakakatanda ang nakita nyang uwak at ang ikinilos nito.

“Marahil ang ibong iyon ay ang ating bathala at ipinapaalala na dapat tayong magdiwang ng cañao” saad ng matanda.“Kung ganoon ay magdiwang na tayo ng cañao” saad naman ng isa.Nang ang lahat ay nakahanda na ay humuli sila ng isang baboy na iaalay sa bathala.Inilagay nila ito sa altar na ginawa nila sa taas ng kabundukan.Ngunit anong himala ng biglang ang baboy ay nag anyong tao.Nagulat ang lahat ng magsalita ito.

“Wag kayong matakot, dahil kayo”y mabubuti ay gagantimpalaan ko kayo basta”t sundin nyo lamang ang aking sasabihin. Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay sa aking tabi. Pagkatapos ay takluban ninyo ako ng malaking palayok. Ipagpatuloy nyo ang cañao at pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik kayo dito” saad ng misteryosong matanda.Ginawa naman ng mga taga nayon ang bilin ng matanda.Saad pa ng matanda ay makakakita ang mga taga nayon ng isang puno na di pa nila nakikita. Ang bunga, dahon at sanga daw nito ay maari nilang kuhanin ngunit wag lamang gagalawin ang katawan.
Pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik ang mga taga nayon. Totoo ang sinabi ng matanda sapagkat naroon ang maliit na puno sa ilalim ng palayok na itinaklob ng mga taga nayon.Pumitas si Kunto ng isang gintong dahon at maya maya lamang ay napalitan agad ito ng panibagong dahon. Natuwa ang lahat at isa isa silang kumuha.
Sa loob ng napakaiksing panahon ay yumaman ang mga taga Suyuk. Ngunit hindi nawala ang inggitan.Nang tumagal ay namalayan na lamang nila na ang puno ay napakataas na at di na maabot ang mga dahon at bunga.“Kay taas na ng puno at di na natin maabot ang dahon at bunga, mabuti pa ay putulin na natin ito” saad ng isa.Tinaga ng tinaga ng mga taga nayon ang puno at ito naman ay nabuwal.Nayanig ang lupa at nakarinig ang mga taga nayon ng isang tinig.
“Kayo ay nabigyan ng gantimpala ng kabutihan ngunit sa halip na mag ibigan ay inggit at pag-iimbot ang naghari sa inyong mga puso” saad ng misteryosong tinig.At pagkatapos marinig ang tinig ay nilamon ng lupa ang mga taga nayon.Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio. Makakakuha ka lamang nito sa paghukay ng lupa.Buod ng Alamat ng Mina ng GintoAng bayan ng Suyuk ay pinamumunuan ng Lider na si Kunto. Magaling itong mangaso sa gubat kung kaya’t naglalagi ito sa kagubatan upang mamana. Laking gulat niya nang may uwak na tila ba’y kinausap siya. Napagtanto niyang marahil ito ang Bathala kung kaya’t nagdaos ang bayan ng Suyuk ng Cañao. Sa kagalakan ay nagpakita ang Bathala sa kanila. Binilinan niya ang mga ito ng gagawin at sinabing magkakaroon ng isang puno na hindi pa nila nakita noon. Inihabilin niyang kuhanin ang dahon at prutas ngunit huwag puputulin ang katawan.

Totoo ngang nagkaroon ng puno at ang mas nakatutuwa ay ginto ang dahon at prutas nito! Mabilis na yumaman ang bayan ng Suyuk at mabilis ding tumaas ang puno. Tumindi ang sakim ng mga mamamayan ng Suyuk kung kaya’t napag-isipan ng mga ito na putulin ang kahoy.Nahulog ang punong naputol kung kaya’t galit na galit ang Bathala. Simula noon ay ibinaon na sa lupa ang ginto ng Baguio.Aral ng Alamat ng Mina ng GintoHuwag maging sakim sapagkat babalik din ang lahat sa iyo. Matutong makuntento.Basahin ang iba pang mga alamat dito.What’s your Reaction?+1 5+1 0+1 1+1 1+1 2+1 0+1 2 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Alamat ng Mina ng Ginto (Alamat ng Baguio)" was written by Mary under the Literature category. It has been read 230 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 January 2023.
Total comments : 0