Home » Articles » Legal Advice

Suweldo ng empleyado, hindi maaring basta kaltasan

Suweldo ng empleyado, hindi maaring basta kaltasan
"Dear Attorney,

Namamasukan po akong tindera sa isang hardware store. Nang minsan po akong ma-late ng pasok ay pinagalitan po ako ng aking amo na nagsabing sa susunod daw ay kakaltasan na niya ang aking sahod sa bawat minutong ako ay male-late. Kapag pumasok din daw ako ng lampas 8:30 ng umaga ay ituturing na raw niya akong absent para sa buong araw. Makatwiran po ba ang gustong maging patakaran ng amo ko? – Lily

Dear Lily,


googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-Instream_Video'); });



Nakasaad sa Article 113 ng Labor Code na ang tanging maaring awasin ng isang employer mula sahod ng kanyang empleyado ay (1) ang ipinambayad sa insurance ng empleyado na kinuha ng may permiso niya; (2) union dues na iniawas ng may pagpayag ng empleyado at (3) iba pang pagbawas mula sa sahod na pinahihintulutan ng batas o ng mga patakarang inisyu ng Secretary of Labor and Employment.

Sinusunod sa ilalim ng ating batas ang polisiya ng “no work-no pay” kaya maaring bawasin sa sahod mo ang mga oras na hindi ka naman nagtatrabaho. Kailangan nga lang siguraduhin ng employer mo na ang pagkompyut sa ibabawas sa suweldo mo ay may tamang batayan; kailangang nakaayon ito sa halaga ng kinikita mo bawat oras batay sa pang-araw araw mo na sinusuweldo.


googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-MREC_Article'); });



Base rin sa prinsipyo ng “no work-no pay” ay hindi maari ang gusto ng employer mo na ituring kang absent kung ikaw ay dumating sa trababo ng lampas sa nakatakdang oras; kung magtatrabaho ka naman para sa araw na iyon ay kailangan ka pa rin niyang suwelduhan bagamat ito ay may bawas ayon sa oras na ikaw ay wala pa sa trabaho." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Suweldo ng empleyado, hindi maaring basta kaltasan" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 719 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0