Home » Articles » Legal Advice

Naniningil ng utang na nanghihiya, maaring kasuhan

Naniningil ng utang na nanghihiya, maaring kasuhan
"Dear Attorney,

Mayroon pong umutang sa akin ng Php50,000 at hanggang ngayon, hindi pa niya ako nababayaran kahit noong isang buwan pa ay dapat nagbayad na siya. Maari ko po ba siyang singilin sa pamamagitan ng pagpo-post sa Facebook dahil iyon lamang ang siguradong paraan para ma-contact siya? Alam ko kasing matatanggap niya ang mensahe dahil palagi ko siyang nakikitang online.

--Alynne




Dear Alynne,

Magkakaroon ng problema kung ang post mo ng paniningil sa nagkakautang sa iyo ay may kasamang paratang na laban sa nagkakautang sa iyo. Kung ang post mo ay mga pananalitang katulad ng “balasubas,” estapador” at iba pang mga nakakapanirang puri ay ikaw pa ang mapaparusahan sa ilalim ng batas dahil maari kang makasuhan ng cyberlibel sa ilalim ng Republic Act No. 10175 o “Cybercrime Prevention Act of 2012.”




Mayroong cyberlibel kapag naglathala ang sinuman ng malisyosyong pagbibintang ng krimen, depekto, bisyo, anumang aksyon o kawalan nito, kondisyon, o kalagayan, na nagdudulot ng pagkasira ng puri o pagkapahiya ng isang tao o korporasyon. Kaya kung gagamit ka ng mga salitang mapanira sa puri ng taong nagkakautang sa iyo na magdudulot ng kanyang pagkapahiya, makakasuhan ka ng cyberlibel at ikaw pa ang maaring pagbayarin o makulong.

Hindi mo maaring idahilan na totoo namang balasubas o estapador ang nagkakautang sa iyo dahil nga hindi naman talaga siya nagbabayad ng kanyang utang. Ayon kasi sa Article 354 ng Revised Penal Code ay hindi maaring depensa ang katotohanan sa kaso ng libel kung wala namang magandang intensyon sa likod ng paggamit ng mga mapanirang mga pananalita.

Ang maipapayo ko lang, umiwas ka na lang sa social media lalo na kung tungkol sa mga sensitibong bagay katulad ng utang ng ibang tao ang ipo-post mo.  Mas maganda kung personal mo na lang na kausapin o kaya’y padalhan mo na lang ng demand letter ang nagkakautang sa iyo upang siguradong hindi pa ikaw ang mapapasama sa huli.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad na legal advice dito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon. Mas mainam pa rin na kayo ay personal na kumunsulta sa isang abogado para sa inyong mga problemang legal." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Naniningil ng utang na nanghihiya, maaring kasuhan" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 602 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0